isipin mo ha, kung mataas standards mo, ano madalas mo sinasabi? "ayoko nito, wait ayusin natin para mas maganda," "ay ito na ba? edit ko pa ha", "pwedeng ganito na lang, kasi it suits well to the activity e", inshort puro "perfecting words" lumalabas sa bibig mo, kung may nakita kang maliit na detalyeng nangangailangan ng polish, you'd eventually jumped unto it and sweep off the little-damaging-detail, na habang tinatanggal mo tumataas ang migrain mo, sa harapan ng ulo mo sumasakit e, nanginginig buong katawan mo partikular na ang dibdib, shine-shake mo yung legs mo parang sa mga sabik mag-jakol, di ka makapali ayos ng buhok, tingen sa dingding, titig sa kawalan hanggang abutin ka na ng deadline ng inaayos mo, mas lalo ka magpapanic at mapapaisip, ay oonga pala, may resulta ang cramming, kaya magagawan mo ng paraan, pero pag natapos mo na, hindi yun yung feeling of contentment na hinahanap mo, yun yung feeling of loss, kasi sa halip na nagawa mo na ang best mo hours before the deadline, you end up cramming, loss o kawalan ng pag-asa, hindi naman sa tatamarin ka ng gumawa ng next to-do list mo pero parang ganun na nga, gusto mong balikan yung una mong ginagawa at iperfect pa iyon sa abot ng makakaya, subalit huli na ang lahat, kungbaga sa printer nakita mong mali ang alignment ng pinprint mong 100 pages tesis paper, in Best Printing Pref pa, tapos u want to click that flashing green button para ihinto na, pero hindi pwede, una HP ang brand ng printer mo ibig sabihin pag hininto yan magpapanic ang printer at matagal-tagal hindi makakaprint, so hinayaan mo ang printer at nakita mong nasayang ang 585 peso mong pagpaparefill sa printer niyo sa mali naman ang alignment na tesis paper,
parang ganyan ang sitwasyon ng writer na mataas ang standards kaya nagkakaroon ng Writer's block, o pinipilit lang niyang isipin na may writer's block siya pero wala naman talaga, pwede rin yun, pero kung ano man ang dahilan ko, hindi ko pa rin matukoy, pwede ring kasing stressed out ako sa mga simpleng A B C D lang, o dahil "iba" na ang ginagalawan ko ngayon, hindi na ako pwedeng magpakeme-keme at magSB o Mcdo o YC o Technohub for fun, dapat for important gatherings na lang yun,
ay leche kung ano man dahilan ko, at least nakapagsulat ako ng hinanaing ko, kahit run-on, mas madali nga to e, para rin akong nagmamadali matapos at makaalis sa Blogger at laptop at bahay at skul, kasi natatakot akong may makabasa nito at sabihing failed Writer, You fail, You doomed, You don't have art and style anymore, Get a life,