Monday, January 31, 2011

39 posts in a month?

o geez haha cool. this is my most madaldal month ever!

Bakit kaya? *red-face on*

Ba't kaya ako natatakot?

Give me strength, O Lord.

You caught me off guard

Narinig ko na naman Hero/Heroine wala na til tomorrow na to LSS :(

allowfullscreen="true" width="300" height="250" wmode="opaque" >

A photo from his tumblr

Ba't parang ang cute namin dito?
1.29.10

MP 174,

Gagawin na kita within one hour lang.
You'll see, lalampasuhin kita.

Love, Y

Pringles

Pringles
Pringles
Pringles
Pringles
Pringles

Too salty i'm gonna die :(
If "CON" is the opposite of "PRO", what is the opposite of PROGRESS?

HAHA got it here

Sunday, January 30, 2011

This is a good luck...

for your exam.

Love, Y

Dear Lord,

Nahihiya akong makipag-usap sa'yo nang diretsahan e so dito na lang po muna.

(stream of consciousness lang po aaa)

Para akong walang energy Lord, please help me. I know you've already touched my heart last night, pero ito na naman ako e. Tamad na tamad na tamad na naman po. :( Dami kong dapat harapin, pero lahat tinatakasan ko.

Escapism. Feeling ko ito ang pinakamadaling solusyon. Pero, mukhang hindi.

Any, salamat po sa family, friends, YFC family, relatives, schoolmates, lover na andiyan lang palagi para magbigay ng courage sa'kin. Sana turuan niyo pa po silang magmahal nang magmahal nang magmaha, at pati po ako, Lord. Turuan ninyo po kaming magmahal nang sobra sobra sobraaaa. Yung kahit kakapagod na at ang sakit-sakit na, itutuloy pa rin po namin. At bigyan niyo po sila ng peace of mind at good health, like what I'm always praying for for them.

Special mention yung special guy na nag-promise sa akin na mamahalin ako nang sobra sa kahit sino pang papasok sa buhay ko. Kasi exam niya po bukas. Bigyan ninyo po siya ng peace of mind at faith para mas makapag-focus pa siya. Lord, alam ko ginagawa niya ang best niya. Masaya po akong ginagalingan niya. And I know, proud din po Kayo sa kanya. Kaya tomolo, Lord, kaw na bahala sa kanya ha? Ikaw na magsagot ng exam niya ha? Help him to depend ONLY to YOU, Lord.

"...Be strong and courageous. Do not be terrified; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go." - Joshua 1:9 NIV

(Pinili ko yan from Today's Advice, di ko alam na from Joshua pala hihi :">)

Okay bla bla sabi ko short lang e :)) Lordddddd, sige ako na makulit, acads ko, help meeeeh, im so nitatamad! pero pagsisikapan ko pa rin, para sa inyo at sa lahat ng nagmamahal sa'kin. omg ang cheesy oa na to. pero Lorddddddddddd, wala lang haha. you know my heart hihi. Sige yun lang po, joke, marami pa talaga, pero love you! :*

Love, Y

Cinderella's Sister

I've been watching this since yesterday and I swear it has an excessively sentimental tale!


It breaks my heart that two innocent girls, including their wicked Mom, had to live without their Dad. E sobrang laking impluwensiya ng Dad nila sa kanila, lalo na sa puso at attitude nila. Yung pagiging mean, impulsive, at draggy nila ay nabago ng Dad nila.

Nung nagluluksa sila sa death ng Dad, omg ang tear-jerker ng scene na yun! Naimagine ko kasi pag ako na yung nasa kalagayan nila e. I can't afford to lose my Dad no! Even just the thought of it makes me feel sick!


On the other hand, here are two quotes that made my jaw drop. May isa pa, di ko lang maalala.
"I couldn't imagine living my life without her in it, and so I didn't ask why. - Dad
(Dad's discovery about sa third party ni Mom. Pero tinolerate pa rin niya ito, ni hindi siya nagtanong kung bakit nagawa yun ng babae, dahil ganun niya kamahal si Mom. Nagbulag-bulagan siya para sa love niya dahil alam niyang dun din siya mas liligaya.)
“I like you so much, so what can I do? Even if you get mad at me, scold me, are ashamed of me, don’t think I’m good enough, ignore me, scornfully laugh at me, whether you think I’m an embarrassment and put me down… but I like you so much. What do I do then?” - Hyo-sun (Now this is unconditional love.)
Basta, it's a story of modern Cinderella with lotsa lotsa lotsa twists and turns. Thumbs up for their well-structured plot.

Some photos ng very lovely na bidang si Moon-geun-young:


Thursday, January 27, 2011

So i was googling kulani...

kasi last night, minamassage ni Meme palad ko, and every time she rubs and presses this certain part, napapa-ouch ako! then i told her na matagal nang ganun yun, and it doesn't feel quite normal na nga e. tas sinabi niya baka kulani raw. tas chineck ko ulit yung part. Small, rounded, rock-like siya, pero kahit slight touch lang sumasakit na. Huuu. Pero yung ganung part ni Meme hindi naman sumasakit..

And so i considered Krissie's advice. Sabi niya, magpacheck-up na raw ako dahil bihira lang ang sumasakit ang ganung parts. She also said na if that certain point aches, probably sumasakit or may sakit din ang corresponding internal organ or body part nun.

Siyempre, uso mag-panic.

Kaya I googled kulani.. malay ko ba kung ano yun. Alam ko lang yung kuliti or sty e. *googles*googles*

and i got here a wonderful search result:


*tadaaa! Kulani Restaurant!

Ano kayang mga pagkain dito? Meron kayang pork-breaded kulani na sineserve dito? Or roasted kulani? E kulani fettuccine? Siguro puro bukol at nana ang soups at desserts nila dito.

Nom nom nom!

*googles*again, this time on images.

O alrighty! So ang tawag na pala sa Black Americans ngayon ay kulani? at may kulani-flavored juice pa a! at may sundalo pa na kulani! (hi, anak!)

Very helpful results there, Google.

Iba na lang ginoogle ko. *googles*googles* Reflexology na lang. Since pangarap ko namang maging physical therapist. Okay, random.

Search result:


Na-catch nito attention ko nang makita ko yung smallest toenail sa left foot ay associated sa sinuses. E since may sinusitis ako, affected ako. Nagulat pa nga ako e, pero hindi, na-coolan talaga ako HAHA. Imagine yung paa ko na halos bali-baliin ko lang e connected pala sa mga vital parts ng katawan ko? Whoa!

tas di ko na napigilang mag-google sa youtube ng vid about reflexology massage! HAHA tas for about 5minutes, ginagaya ko na yung video. I even put on lotion para less friction. Career e. Ba't ba. Then nung hinahagod ko na ang talampakan ng left foot bandang left side, I felt pain, slight lang naman. So inisip ko baka pagod lang. Suddenly I realized sumasakit ang part na ito, meaning baka may sumasakit din na body part ko. So I checked the foot chart dun sa talamapakan part ko. I'm not sure kung nakaturo yun sa liver, adrenal glands, and/or sa stomach. Not sure kasi hindi ko makuha nag accurate position ng sumasakit sa talampakan e.

Then I saw this thing about reflexology and foot pain.
For example: foot pain in the sole of the foot may be associated with improper diet. A diet high in refined sugar may cause an imbalance in the endocrine system including the adrenal glands. Foot Reflexology is effective in addressing this type of foot pain.
E improper naman kasi talaga ang diet ko, so I thought that's normal.

Later on, hands ko naman ang napagdisgitahan ko.

Upon seeing this, over na-coolan na naman ako! Ang dami palang points sa kamay na connected sa katawan ko. At sobrang detailed pa ha. Amazing!

Tapos hinanap ko agad yung small, rocky part na nakakapa namin ni Meme sa palad ko. And it turns out na Adrenal Gland yung part na affected.

E clueless ako sa adrenal gland. I don't even know what is a gland, except sa nagpo-produce ito ng hormones.

*googles* adrenal gland.

Found this.
Your adrenal, or suprarenal, glands are located on the top of each kidney. These glands produce hormones that you can't live without, including sex hormones and cortisol, which helps you respond to stress and has many other functions.

Then this site entitled "What is the Function of Adrenal Gland."

Nung nabasa ko 'tong line, na-bother ako. Actually nakaka-bother dahil sa word na "stressful."
The medulla, or inner part of the adrenal glands, produces the hormones norepinephrine and epinephrine, which regulate the "fight or flight" response in the body, the body's reaction to stressful events.
Then, this alarmed me.
Symptoms of poor adrenal function include fatigue, muscle aches and low blood sugar.
Yes, I have been experiencing these symptoms, and they often interfere with my daily routine.

And so, this caused me to deepen my research. (quite feeling genius while googling science terminologies! i'm even considering to take up Medicine! feeling ko part na ako ng pamilya ng science world like Jimmy Neutron and stuff. lulz haha)

Unti-unti na nga ako nano-nosebleed e, buti kinakaya ko pa.

Then I arrived at this site about Adrenal Gland Disorders Symptoms.

As I read on the symptoms, it appears that I possibly have the disorder called Adrenal Fatigue.

Stress is the most common cause of adrenal fatigue. [...]
Adrenal fatigue often develops after periods of intense physical or emotional stress. Some of the general signs and symptoms of adrenal fatigue are:
  • Non-refreshing sleep
  • Excessive fatigue and exhaustion
  • Craving for salty and sweet foods
  • Overwhelmed by or unable to cope with stressors
  • Low stamina, slow to recover from exercise
  • Low immune function
  • Feeling most energetic in the evening
  • Difficulty in concentration, brain fog
  • Poor digestion
  • Premenstrual syndrome or difficulties that are developed during menopause
  • Extreme sensitivity to cold
  • Consistent low blood pressure
  • Tendency to gain weight and unable to lose it
  • Tendency to tremble when under pressure
  • High frequency of getting flu and other respiratory diseases
  • Reduced sex drive
  • Feeling better suddenly for a brief period after a meal
  • Pain in the upper back or neck with no apparent reasons
  • Feeling better when stress is relieved, such as on a vacation
  • Food and inhalant allergies
  • Palpitation
  • Lack of energy
  • Low body temperature
  • Hypoglycemia
  • Decreased ability to handle stress
  • Dry and thin skin
  • Unexplained hair loss
  • Nervousness
  • Dyspepsia
I bold those symptoms na seldom kong nararamdaman, or minsan madalas pa nga. And after realizing na almost 60% ay naka-bold, baka nga I have Adrenal Gland Fatigue. Because look at that symptoms! It really seems like a very likely possibility.

I am nervous. Yes, I really am.

And so I read on about the treatment.

The treatment for adrenal fatigue includes appropriate diet and lifestyle changes. Your diet should contain sufficient amount of proteins and complex carbohydrates. Avoid junk foods, coffee or soda. Also avoid processed foods, tobacco and alcohol. You need to do some exercises such as yoga, deep breathing, walking or meditation.

Nutritional supplements are important for nourishing and strengthening the adrenal glands. It will help restore healthy functioning of adrenal glands. Use of adrenal cortisol extracts, vitamin B complex, cortisol replacement, cordyceps, DHEA, L-Theanine, Licorice, pantothenic acid, pregnenolone, etc are useful in treating the adrenal fatigue.

Yes, I know I'm not a fan of meat and chicken, but I love eggs! I'd rather choose processed foods, especially the salty ones like Pringles, potato chips, and the like. Naalala ko ring hindi na ako nagti-take ng Centrum. Paminsan-minsan na lang sa Fern C. Wala rin akong source ng Vitamin B complex. Kaya nang mabasa ko 'to, hinanap ko agad ang Centrum ko at chineck ang Nutrition label. Nakita ko dun yung karamihan sa sina-suggest na vitamins and minerals for me.

Around 11 am nang kumain ako kanina, naghanap talaga agad ako ng protein-rich food sa dining table HAHA. Hello? Sino ba namang di magpapanic kung madiscover mong possibly may sakit ka... at hindi lang ordinaryong sakit! Naiisip ko na nga ngayon ang mga posibleng consequences huhuuu

Then I ate tons of protein-rich food, uminom ng vitamins at maraming glass of water.

Kaya pala lately, I oftentimes feel weak... at feeling ko ang daming sumasakit sa katawan ko na wala namang apparent reasons. Feeling ko rin iba ang takbo ng katawan ko.

Hope this adrenal fatigue won't make me shed a tear. Huuu haha

__________

On the other hand, nae-lss ako dito. ang cute cute ng lyrics!

Idle

idle lahat.

katamad. katamad. katamad.

just had a steam-bath. mas matagal pa preparation sa actual bath. idle. idel. idol. lalala.

anyhow, im now seeing direction sa mp 174 topic proposal ko, thanks to meme, but still so tamad to write, & finish stuffs! idle. illiad. idlie.

wanna join UP floorball club! pioneer member ako if ever hihi coool. idlelele. dile. iled.

wanna join UP ROTC team and be a junior instructor! ba't ba magrarappel lang naman ako. enjoy kaya! idle. ilde. dlei.

wanna.. wanna.. sleep with my babies (uh-hemm!) tonight HAHA kidd! lide. idliie. lied.

bla bla. dlie. idle.

gatta gu gu now! blasting night to everyone!

(now playing in full blaassst: symphonies of Mozart & Beethoven [HAHA yes those long curly-haired classical artists with very fascinating musical pieces! gotta love them!])

idle.

#Y
die?

Wednesday, January 26, 2011

Tuesday, January 11, 2011

Luzz na tologo

Good morning, world. Be good to me later.

Nakahanap na rin ako

ng mga Centers for sexually abused children.

WHAT'S UP WITH YOU YNNE DAVID

WAKE UP!!
Hello? It's 2011, what're you doingggggg?

Ze quotes!

"Don't let the sadness of your past and fear of your future ruin the happiness of your present."

"Nothing is permanent. You just have to love it while you still have it."

Yesterday

was hotter than January 7.

Some boring morning

at wala akong ibang maisip kundi ikaw.
Uyy wag mag-feeling! :-"

Kasi pinagalitan kami ni PHD prof kanina

naghahanap tuloy ako ngayon kung saan may nasunugan na squatter's area, at para sa dula ko biktima ng incest. zomg. pano ko gagawin yun :( victim ng incest magpapa-interview sa akin? Whoaaa, intense.

Dear Lord,

Idle mode utak at katawan ko to think na 3rd week pa lang. Natatamad po ako. Help meeeeh

Love, Y

Kahit puyat... Kahit pagod...

Go lang. Masaya naman kasama tong loko na to e.
Naghina pa kanina e =))))))))))) cute mo lang pag inaano! kbye!

Saturday, January 8, 2011

EK with Bhest and Bes

Ekstreme
Space Shuttle Max
Anchors Away
Wheel of Fate
Rialto
Fireworks!!!! \m/

Could have been much happier if I'm with oso HAHA

:*****

My First Kiss lyrics
Ke$ha

My first kiss went a little like this
And twist
And twist

[Ke$ha]
Well my first kiss went a little like this
And twist
And twist

[Verse]
I said no more teachers
And no more books
I got a kiss under the bleachers
Hoping that nobody looks
Lips like liquorish
Tongue like candy
Excuse me miss but can I get you out your panties?

[Hook]
In the back of the car
On the way to the bar
I got you on my list
[I got you on my list]
At the foot of the stairs
With my fingers in your hair
Baby, this is it

[Chorus]
She won’t ever get enough
Once she gets a little touch
If I had it my way,
You know that I’d make her say
Ooooooh
Ooooooh

She won’t ever get enough
Once she gets a little touch
If I had it my way,
You know that I’d make her say
Ooooooh
Ooooooh


[Verse]
Well my first kiss went a little like this
I said no more sailors
And no more soldiers
With your name in a heart
Tattooed up on the shoulders
Your kiss is like whiskey
It gets me drunk
And I wake up in the morning with the taste of your
[From: http://www.elyrics.net/read/k/kesha-lyrics/my-first-kiss-lyrics.html]
tongue

[Hook]
In the back of the car
On the way to the bar
I got you on my list
[I got you on my list]
At the foot of the stairs
With my fingers in your hair
Baby, this is it

[Chorus]
She won’t ever get enough
Once she gets a little touch
If I had it my way,
You know that I’d make her say
Ooooooh
Ooooooh

She won’t ever get enough
Once she gets a little touch
If I had it my way,
You know that I’d make her say
Ooooooh
Ooooooh


[3OH!3]
My first went a little like this
And twist
And twist
[Ke$ha]
Well My first kiss went a little like this
And twist
And twist

[Chorus]
She won’t ever get enough
Once she gets a little touch
If I had it my way
You know that I’d make her say
Ooooooh
Ooooooh

[Chorus]
She won’t ever get enough
Once she gets a little touch
If I had it my way,
You know that I’d make her say
Oooooooh
Oooooooh
She won’t ever get enough
Once she gets a little touch
If I had it my way,
You know that I’d make her say


January 7, 2010 is extremely hot.

...

Ang hirap talaga umintindi forever ni Mama. Or baka ako lang ang maiksi ang pasensiya. Ano kaya? Haaay.

Wednesday, January 5, 2011

Lotsaaaa blessings! (in 1 day)

Morning
Hindi ko nabasa ang gospel, because I had to rush reading Pinaglahuan. Umaga pa lang, kinausap ko na lang si God sa mind, and all throughout my day. Hay. Bad vibes pa dahil nung paalis na si Papa, tinanong niya ako kung what time ako aalis. Sabi ko, "NOW NA" pagkatapos nagprepare pa ako. Yun pala pagkalabas ko ng gate, wala na sila ng driver. Yun pala ang pagkakarinig niya ay, "ALA-UNA" Huuu :( So hindi ako nakapasok sa 1st class, Komm3.

But sa kabila niyan, napakarami Niyang blessings na binigay sa'kin. Well for me, huge blessings na 'to a.
  1. I got to see and observe my distant relatives, and had small talks with them, na sobrang miminsan na lang mangyari.
  2. Because of that nabigyan ako ni Tito Noli ng gift =)) funny gift =)) ipapadala na lang daw niya sa 15. Fresh from Aklan, and shoulder niya ang lahat including shipping hahahahahaha. Siya na ang sweet. Natouch ako grabe. Pero dapat pala talaga si Papa mag-oorder nun. Ayun. K.
  3. May binigay pa siyang paperbag with HP bondpaper, Jewels, Toblerone, Betnovate (oo, ba't ba).. tas pahabol pa Georgio Armani ba yun na liquid something. Pero yung pinakagusto ko e nung tinanong niya ako kung nagka-cap daw ba ako. Umoo lang ako kahit hindi, tapos binato sa'kin yung red cap na may tatak na I Love Jerusalem. Sabi niya, binili raw yun ng wife niya sa Jerus, at blessed daw yun from there! AND I WAS LIKE @_@ WOW, THANK YOU SOOOO MUCH!
  4. On the way to school: Nagkukuwento si Ate Doan sa discounted tix na binibigay niya sa mga kamag-anak. From 17k, nagbayad na lang daw ng 8k. From 6k to 2,8k, mga ganun. Edi siyempre stunned ako. Alam ko 'yun, at ang mga regular at promo rates kasi ako lagi nagbubook sa'min at sa mga kamag-anak namin e. Kaya nagulat ako nang nakuha ni Tito ang roundtrip tix, take note, ngayon lang nila pinareserve ha, for only 2,8k. 2,8k ha? At season pa ngayon, at on the day pa mismo binili, e dapat standard pricing yun. O sige ako na ang gulat! Ba't ba. Pero ang totoong blessing dun e, yung 50% discount na pwede niyang ibigay sa'kin at sa mga friends ko once we go to ILC CDO! Mas marami raw, mas konti babayaran. Ayun haha sobrang naexcite ako eeeeeeeh :">
  5. Pagdating sa FC: I asked Charizza kung may Komm3 kanina, OMG, wala raw! Grabe, sobrang timing :)
  6. Sir Vlad: 2:40 nagdismiss na! Naramdaman yata niyang antok na antok na antok na antok na ako, at puyat yeaaah :)) :P pero Praise God kasi gets, minsan lang yun.
  7. Bicos of that, nakapag-meet kami ni Oso. Had kwek-kwek, then bonding sa new carrrrrr niya, crv. Ikaw na mayabang! :| :)) Nagkamali pa ako kanina e, sabi ko, sige una ka na sa counter para makuha mo na bag mo, tapos oo nga pala, may kotse na siya so wala na siyang gamit! whoaaaaa. okay.
  8. Masaya ako nang nakauwi na, dahil bago pa totally makaalis si Oso, nandun na si tito luis. Yeyyy! Di na ako naghintay mag-isa wiiiiiii
  9. Kumain ako ng sinigang na buto-buto pag-uwi. yummm :">
  10. Nakapagsend ako ng picture kay Tito Rolly para sa....... funny gift na naman niya. Kairita tong mga taong to e, parang birthday nila HAHAHA, but yeah, thank youuuuu
  11. Nakapagblog ako kahit maiksi lang hehe
  12. Finally, nakapag-usap kami nina Papa, Mama, at Abby, about life, about everything.
  13. First, kinumusta ako ni Dad sa course ko at kung anong plano ko. I simply said na magpupursue ako sa Phil. Stud then magminor ako sa BA Psych. Tapos, ang reaksiyon lang niya, "Sige, wala kaming alam diyan, pero pag-isipan mo ha." Hindi na niya ako prinessure mag-total shift ng course waaaaaaa. Blessings ang pagkakita namin ni Kuya Ron last time at sinabi niya sa akin na whatever course ang tinapos mo, you can always find a job, no matter whaaaaaaaat! Pag nandun ka na sa job mismo, dun na yung training mo para malaman mo. Tapos ayun, mej nagets naman ni Papa, hindi siya nagreklamo. Grabeeeee, i feel totally blessed. Now, it's all up to me.
  14. Nail polish. Buti na lang naka-translucent nail polish lang ako haha tas si Abby silver, kaya di masyado natira ni Papa. pero napagalitan kami, ako pala, nung suot ko nung debut ni Tiff. Hay. Minsan lang naman ako mag-up-the-knee cocktail aaaaa. Kung ano-ano na sinabi niya tungkol sa pagiging Maria Clara, at pagiging cheap, at puta. OMG :((((( once lang ako nagsuot nun, pero gets, hahahay. Pero okay lang, at least mas klaro na sa akin ngayon kung ano dapat ang aking iasta or iporma. Mas ginagalang daw ng guys yung magalang din ang pananamit. So yun.
  15. Napakarami na naman niyang sinermon: Magstraight body, Mag-bless pag 6pm, maging mabuting mga anak at kapatid, manghiram nang mabuti at magpahiram din, maglambing, wag magpaalam nang nakabihis na dahil kabastusan yun, wag magpapagabi or iwasan dahil dangerous, magtipid at mag-ipon, mag-diet? =)) hahaha oo kay abby OKAY HAHAHA, at marami pang iba. Kinabahan ako nung una e, kasi ang tono ni Papa, forever seryoso hayyyy. So yun.
  16. Birthday ko: Usapang Lechon?
Papa: 15, ano plano niyo?
Ako: Wala.
Papa: Hindi ka na ba maghahanda?
Ako: Wag na po. Cash na lang.
Papa: Kumain na lang tayo dito sa bahay. Nagpa-ship ako ng lechon.
Abby: E PAPA!!!! WAG NA :((( Hindi naman nagagalaw yun sa table, at nakakasawa na kaya! At hello! Nakaka-highblood pa! WAG NA!!
Papa: Psst.
Ako: Feel na feel mo ha, may highblood ka na, 'te?
Abby: Kasi naman e! Sayang pera! Magkano rin yun! May ship pa!
Ako: Ulo lang naman e.
Abby: What?? Ulo again?? Pasko, New Year, puro ulo na tayo hoy!! Ano baaa! Mag-dinner out na lang tayo!
Ako: Onga, Pa.
Abby: Magkano ba yan? At magkano ba sa Shakeys?
Ako: Malay. Don't care.
Papa: Ano ba, dito na lang sa bahay.
Abby: Papa kasi sayang pera e. E kung binigay mo na lang kay Yane yung pera!!!
Ako: Tama!
Papa: Ano bang plano mo sa 15?
Ako: Basta, hihingi ako ng birthday giftsssssss.
Abby: Ano yun?
Ako: Mag-ILC po ako.
Abby at Papa: Ano?
Ako: International Leaders Conference
Papa: Ano di kita maintindihan. Bakit International International?
Ako: (Stammer) Yung last year sa Baguio. Pero di na sa Baguio ngayon.
Abby: San na?
Ako: CDO.
Papa: (kunot noo while staring at me)
Abby: San yun?
Ako: (pabulong) Cagayan De Oro
Abby: (shocked!!) OH GODDDD!! (sabay yuko ng upper body, at o.a. na pagsabi ng OH GOD)
Papa: Anong bat pumupunta ka diyan?
Ako: Hmm...
Abby: E kasi diba Pa leader si Yane sa YFC kaya dapat andun siya...
Ako: Hindi naman sa ganun............. pero marami kasi akong natututunan sa YFC.
Papa: Ikaw lang naman ang natututo e.
Ako: Oy Pa.. Si Ara nagbabasa na ng bible ngayon. Si Abby... hay nako walang pag-asa. Sangkaterbang libro na rinegalo ko jan, di man lang nagbuklat ng kahit isa! Si Mama naman, tinambak lang ang bible, hayyy (tumatawa pa ako)
Papa: Uhm.. very good.
TAS DI KO NA MAALALA. CHANGE TOPIC NA ATA. PERO WOW. :)) Okay wala lang ba't ba :P at basta kasama to sa conversation, pero I porgat na kung saan.
Papa: Iinvite mo friends mo, at konting dinner tayo.
Ako: Wag na, Pa. I-cash in ko na lang po.
Mama: Anong friends? Sinong friends? Ang daming friends niyan! Kung sansan pumupuntag debut yan e! (i was like, wow anong konek hahaha 3 times lang ako nagpuntang debut, does it matter? hahahaha)
Ako: Oo nga po e. Di ko alam sino iinvite ko. Kasi iba-ibang set sila. Di ko alam paano ieentertain. Basta, cash na lang po ako, kahit magkano.
Papa: Nag-order na ako ng.... bla bla bla
(Dito na pala nasingit yung convo ng lechon sa taas)
Papa: Kunin mo na lang kay Mama mo ang........ at ilagay mo sa savings acct mo.
Ako: What?? :o
Abby: Wow =))
Ako: Makabili na nga ng DSLR hahaha
Abby: Oonga Yane!
Ako: Tungaks, siyempre, gagawa ako ng hiwalay na acct sa ATM at Passbook, para kahit papano lalaki ang pera ko.
Mama: Anong lalaki... Teka nga, bakit ganun kalaki, Pa! (RANTING STARTS HERE BASTA TUNGKOL SA BAKA MA-BUDGET CUT SIYA HAHAHAHA)
Papa: Ako na bahala.
Mama: Gawin mo na lang.......
Ako: Uy, Mama naman eeeeeeh. Sabi ni Papa, siya na bahala ohhhh. Wag mo nang bawasaaaaaaaan.
Mama: Akala niyo ba si Papa ang nagogrocery ng spice? Yun lang naman naman ang inorder niya e!
Ako: E, wag na i-cut yung pera huhu
Papa: O sige bawasan mo na
Ako: ANG DAYAAAAAAAA
Mama: Dapat lang no.. bla bla
Papa: Sige, pagbalik ko, chaka na ulit yung balance
Ako: Pa, dapat doble na yun a! (sabay kindat. K)
(I WON! BWAHAHAHAHAHA)
Umalis na yung kapatid ko sa room, so ako na lang. Pabalik-balik ako sa restroom. Humahanap ng buwelo sa pagsabi ng tungkol kay Oso. Kaso lagi ako nauunahan ng iba't-ibang topics e. Tas one time napabulong na lang ako na...
Ako: May ka-MU ako a!
Mama: (napalingon) Anong MU MU ka diyan! Lumabas ka na nga at matutulog na kami!
Si Papa, no reaction, ewan ko kung narinig niya. Hayyyy. Yun na sana yung chance ko e, kaso as usual, mukhang hindi naman interesado sa buhay ko si Mama.. Ayun wag na lang. Lumabas na ako.
Bumalik ulit ako, sasabihin ko sana ulit e. Kaso pinanghinaan na ako. Kaya inabot ko na lang yung gamot, at sinabing..
Ako: Uy Pa, Ma, sa Sat ha, Enchanted Kingdom!
Mama: Lagi ka na lang gumagala!
Ako: Hala! Libre lang naman sa'kin ng best ko yun e!
Mama: Hay na'ko, sige alis na!
Ako: k.
=))
WOW. THIS IS MY JANUARY 5. Birthday ng twin kong si Ariane Domingo! Happy birthday! Parang birthday ko na agad e :)
THANK YOU, LORD. LOVE YOU SO SO SO SO MUCH

Bakit kaya kinilig ako

nung magkahug kami, at may napakaliit na lamang na distansiya sa pagitan ng aming mga mukha, at nang inilalapit niya ang kanyang ilong sa aking pisngi, at habang sinasabi niya ang mga salitang bihira ko lamang marinig, "Ang ganda-ganda mo... Very much," at "Akin ka na lang?"

At nung naka-half hug ako sa kanya, at nakaharap ako sa right window, habang nakatitig siya sa akin, at dino-drawingan niya ng hugis puso ang upper left part ng breast ko at sinasabing, "Akin na lang to, aalagan ko 'to. I'll protect this heart. At papalitan ko. Ipapalit ko ang puso ko."

It felt so reaaaaaaL. Natuwa ako dun sa first part. Kinabahan ako sa 2nd part, but nonetheless, ngayon ko lang nafeel to. Hindi ko pa ma-explain. Hirap e. HAHA.

Pero, Lord, sana siya na po. (Uyyy joke lang po hahaha) Good night.

Sunday, January 2, 2011

Hot na hot.

Ganyan ang feeling ko ngayong araw.

Hot na hot gumawa ng projects/writings pero hindi nagbubukas ang mga sites na dapat references ko, at wala akong sapat na materyales para makapagsimula.

Hot na hot makipag-chat kay oso, pero wala ngang net di ba.

Hot na hot matulog pero sobrang kalat ng kuwarto, wala na akong space sa kama ko.

Hot na hot sulatan/lagyan ng design or something para hindi magmumukhang dull ang planner, pero wala akong mahanap ng focal point na ipangdedesign. Puro maliliit na something lang, gusto ko yung kitang-kita agad. Ba’t ba HAHA

Hot na hot pumunta sa NBS para makabili ng Etsa-puwera ni Jun Cruz Reyes, but it turned out na nagwala pa ang tatay ko dahil magsasayang lang daw ako ng gas sa pag-una sa NBS, kung magsisimba rin naman sila.

Hot na hot ako on the way dahil pinagagalitan ako ng tatay ko.

Hot na hot akong sumagot nang pabalag.

Hot na hot akong mang-irap at magpaka-cold. Sino bang hindi maiinis kung sasabihan ka ng, “Bakit ka pa magpapadrive, e rest day ngayon ng driver? Magpa-drive ka lang kung importante. E bibili ka lang naman pala ng libro e!” Bibili nga LANG naman ako ng libro. LANG NAMAN.

Buti na lang nahanap ko yung alternative book na Pinaglahuan ni Faustino Aguilar, at may 4 copies pa dun sa NBS, which is kinda weird dahil lumang novel na yun. Oh well, I just praised God for that.

Nung dumating kami sa NCE, tumaya pa sa lotto si Papa. 6:45 yun. Worried na worried ako s aparkingan dahil baka malate na naman kami sa mass. So, hot na hot na akong pumunta ng church nun.

Nung nasa church na, hot na hot akong maka-upo. Ang sakit ng shoes ko e. Doll shoes. Huhu

Hot na hot na rin talaga ako, literally. Naka-jacket ako e. Tas ang crowded dun sa lugar namin.

Hot na hot ako nung nakakita ako ng ostsa dun sa floor! Nagpanic ako, di ko alam gagawin ko e.

Hot na hot ako buong araw, pero pinakalma ako ng isang taong hindi ko kailanman nabigyan ng pansin sa buhay ko. Kumbaga, I get to visit her every summer, nagkakasama kami sa mga reunion, at ngayong bakasyon, pero hindi ko talaga siya kilala. Yung tipong may depth ba.
:)

Si Lola Perla.

I never.. as in never akong naging close sa kahit sinong mga lola ko. Yung isa nga, I was quite expecting na kahit isang towel or underwear may ipinadala man lang siya sa akin sa gigantic relief boxes na pina-ship niya, pero wala. Napunta sa bunsong pinsan ko yung laman ng 3 out of 6 boxes, tas ako walang natanggap. At all. Hindi naman ako nag-iexpect ng kahit ano e. Ang iniisip ko lang nun, since bata pa ako, at hindi ako lumaki kasama ni Lola R, kahit man lang sa mga padala niya, ma-feel kong apo niya ako at Lola ko siya.... E kaso wala e. Tapos nung magcollege ako, gusto niya akong mag-nurse, ni Lola R. Umayaw ako. Tapos ano? Sunod-sunuran sa kanila. No way. Sila na lang.

But then kanina si Lola Perla.. ewan ko, ang precious nung inoobserve ko siya kanina.
Nag-CR kami sa Conve, tas ang slow ng movements niya, at kailangan niya ng mag-aalalay. Pampagulo lang ako dun so hindi na ako tumulong sa pag-assist sa kanya.

Then nung nasa church na kami, para akong naaawa sa kanya, kasi again late kami. Late means walang upuan diba? E wala na kaming upuan lahat haha. Sabi nung pinsan kong isa,
“Diyan ka sa tabi ng pader, La, para may mapagsandigan ka ng likod.”

Pumunta si Lola dun sa pader. Tapos hinila niya yung upuan doon sa gilid ng pader. Kailangan niya talaga ng upuan e, kaya hinila niya yun. Tas bigla niyang binitawan nung nakita niyang may tao.

“Ay, may naka-upo naman dito e,” very slowly at napakahina ng boses niya.

Napa-ano ako e. -,- wth!!!! CHAIRSSSS PLEASEEEE!

Tapos isang kind-hearted woman ang nag-offer ng reserve seat niya kay Lola. Nagthank you naman si Mama at binigay kay Lola. Kung nakita niyo lang yung pagkasabik ni Lola dun sa upuan, kasi grabe e, umupo siya agad, kahit nakatayo pa lahat ng tao. Siguro pagod na pagod talaga siya, at hindi lang siya nagrereklamo.

Tapos na ang misa. Nakita namin si Father na papalakad sa way namin paalis ng simbahan. E since dadaan siya sa way namin, nagbless na kami. Tapos si Lola, naobserve ko, super duper slow ng motions niya, tumayo siya para magmano, pero hindi siya makasiksik sa mga batang nagkakagulo. So napa-stop lang siya dun, tumitingin-tingin, humahaba ang leeg, at naghahanap ng tsansa na makita siya ng Father.

Absent-mindedly, pagkamano ko kay Father, hinila ko yung kamay ni Father sa direction ni Lola. Hindi muna siya nakita ni Father, kasi maraming nasa harapan niyang mga kabataan. Pero nung nakita na siya’y, finally, nakita kong ngumiti si Lola. Alam mo yung feeling na nakatapos ka na sa pag-take ng isang major long exam? Parang ganun yung ngiti niya kanina.

Tapos parang napangiti rin ako.

Sa Shopwise naman, ayaw na dapat niyang bumaba ng sasakyan kasi mapapagod daw siya. Sabi ko, sige po stay na lang kayo. E itong si Abby, kumag forever, inencourage pa si Lola na umakyat sa mall. Sabi ba naman,

“La, di bale, akong bahala sa’yo. Isasakay kita sa cart,” sinabayan niya pa ng halakhak e.
Tas parang ako, nagsesenyas na ako sa face niya na, ano kaaaa baaaaaaaaaa, mapapagod yang si Lola!!! Pero wala sumama na siya e.

Nung nakababa na kami, mga 9:30 na yun. Bumibili ako ng 2 pcs ng pandesal. Inabot ko kay Lola, tapos nakita ko yung gutom niya e habang kinakain yun. OMG kasi. Paglakarin ba naman siya sa mall? Wooow.

WAIT LANG PALA. I forgot something. Nung nakalabas na kami sa main gate ng St. Peter, ako yung nag-aassist kay Lola, diba. Nagulat ako nang bigla siyang tumigil sa harap ng isang tindera ng sampagita. Nagulat talaga ako e. Walang kaabog-abog siyang huminto at inabot ang “piso” niya. Sinabi niya pa, “Isa nga..”

Tapos, pinack na ng tindera yung sampagita. Tapos si Lola, inaabot pa rin yung piso niya. Nakita kami ni Abby, tinanong niya kung ano raw yun. Nagsalita yung tindera, sabi, “sampung piso po isa, maam”. Tapos yung lola ko, wala pa ring kamalay-malay na sampung piso isa yung sampagita. Basta hinawakan lang niya yung supot ng sampagita, at nagpalinga-linga ng paningin. Parang 3 years old, ganun.

Nagbigay ng 10 pesos si Ate Krystel. Buti na lang may pera siya, wala kasi kaming dala ni Abby e. HAHA.

Tas after nun, na-feel ko na, hindi pala talaga kakayanin ni Lola Perla mag-isa. Kailangan niya ng susuporta at aalalay sa kaniya. And kung mabibigyan ako ng chance, I’d like to be one.
And that’s the very first time I felt that way sa isang grandparent....

Kaya pag-uwi ko, hot na hot akong isulat ito sa blog ko e. Hindi ko pa nga narereplyan si oso about dun sa tumblr blog post niya. Hahahay. Hot na hot na rin akong makausap siya. So, bye now, and happy January 2, everyone!

Saturday, January 1, 2011

Blog entry testing..
dahil ang kulit ng blog ko, ayaw magpakita sa akin.
Porket naka-Chrome lang ako ha? ha?

Huyy, I wanna see your new layout! Pakita ka na puhleaaase hihi i miss youu!

Gusto kong maging Psych student. :D :P

Pano?
Parang ang cool nung number 2 hihi

Gotta love Wetlook & Wild :D
still texting with oso haha but goodnight now!
sige, ako na madaldal ngayong gabi hihi

"Alam mo what time sa monday?"

Nagtext na naman ang orgmate ko na napaka-responsable. I just have to reply na it's 1pm on Monday kasi namatayan siya ng Ina. Tapos nagtext pa siya ulit kung ano raw ang mga kailangang dalhin. Sinabi ko na hindi ko na alam hehe. Then, wala nang reply after that... Kahit simpleng Tnx or T.Y. Wala.

Palagi na lang siyang ganun, at hindi lang siya, marami sila. Rinereplyan ko naman sila nang tama, kahit nga konti lang load ko, nagrereply pa rin ako e. Tapos kahit THANK YOU, wala? Yun na nga lang aasahan ko since kahit papaano nakatulong ako.

But then, suddenly, I realized, may "change for better plan" pala ako hihi.

"Hahanapin ko si Kristo sa lahat ng tao."

Yan na rin ang 2k11 Challenge #2 ko:
Dapat makita ko sa puso ng lahat ng tao si Hesu Kristo.

2k11 Challenge # 1

Iwasan nang makipagsagutan kay Abby. Kausapin siya palagi in nice, calm way. Why? Dahil lagi niyang sinasabi kapag nag-aaway kami na, "Akala mo kung sino kang mabait a," at "YFC-YFC ka pa naman, ang pangit ng ugali mo!" O diba, nadamay pa ang YFC sa away namin. Kung paano, aba, malay! Madalas, pinuput****** pa ako niyan. How sweet of her, no?

(asdfghjkl. lulz.)
(Dear Abby, tigilan mo na ang pag-aangil, baka pumutok braces mo. Sige ka.)

Dear Hotdog + Longganisa,

Namiss mo ako, no? I'm back! Hihihihi
Gusto ko na magsulat uliiiiiiit. Yung pagsusulat na dahil gusto ko, hindi dahil kailangan ko.

2011 resol'n draft

medyo mukhang kalokohan yung iba. pero I want most of it na mangyari/matupad :)

1. Please God
2. Isama si God sa mga decisions ko.
3. Hanapin/makita si Kristo sa lahat ng tao.
4. Kakalimutan (joke, try lang) ang Manana Habit.
5. Magtitipid @ mag-iipon.
6. Be more cheerful, thankful, and stronger.
7. Mag-sstraight body na. (para di na ako pagalitan ni Papa)
8. Write, write, and write. Shot, shot, and shot.
9. Love, love, love, most esp. my family.
10. Will try my best to try to accomplish numbers one to nine, dahil lahat 'to para kay God. :D

Praise God :">

He never say no. What he's saying is:

"Yes, but not now. I have a better plan for you."

"I have fallen in love with you already"

Well the title has nothing to do with the content of my blog; I just find it extra special, and so I put it there.

As I attended the church this afternoon, God has made me realized a lot of things. Firstly, I am loved. I am loved not just by my family, friends, oso, but also by my Jesus Christ.

Bla bla english-english pa e, kinakalawang na nga vocab ko sa english. HAHA ba’t ba.

Ganito kasi nagstart ang araw ko. I feel sick. Yung tipong ginaw na ginaw ang loob ng katawan ko, at barado ang ilong ko. Bagsak pa ang mata ko, at sumasakit ang ulo ko. Yes, the typical Yane pag may sipon. Naghihina ang katawan at walang lumalabas na boses sa bibig. Sanay na ako e, pero parang ang bigat lang talaga this morning.

I didn’t open the Holy Bible kanina. Hindi ko binasa ang gospel for the day, at walang refle-reflection. Because... I don’t feel like doing so.

Then this small book I bought yesterday entitled “Ang Pera na Hindi Bitin” by Eduardo O. Roberto, Jr. caught my attention. Iniscan ko, at sa dulo nakita ko yung summary kung paano mag-ipon or something. E may nakita pa akong term na “Automatic Millionare” e mas lalo akong na-attract basahin. :P

Ang dami dami dami dami kong natutunan sa first three chapters pa lang. Una, if you’re a student, at may allowance kang 750, mag-save ka lang ng 10% of your allowance a week, then you’ll be a millionaire after 30 years or something. Tas, kung mejo sanay ka na sa pagtatabi ng pera, pwede mo ng gawing 50% ang savings mo. Of course, you have to be disciplined para magawa mo yun.

What I like best about this book, biblical siya. Di ko macoin yung term. Basta yung analysis at explanation niya solely based sa Bible. Kaya habang binabasa ko, at nakakakita ako ng mga familiar verses, lalo akong na-ienthral magpatuloy sa pagbabasa.

Basta to sum it up, ang natutunan ko, mag-ipon ka ng small percent ng allowance mo, para hindi ka maghirap. Kumbaga, pag nakatanggap ka ng allowance o sahod, “Pay yourself first” bago mo bayaran ang TriNoma, Mcdo, Mang Larry’s, etcetera. Kapag lumaki-laki na ang kita mo, then give it back to the Lord. Be more generous. Give alms to the needy. Kasi, 10 times ang balik ng grasya sa iyo pag nagawa mo yun.

I’m thinking na sa plano kong pag-iipon this 2011.. na isama si oso. I mean, partners sa pag-iipon :D kasi pag ako lang, good luck naman kung magawa ko yan =)) at least may pipigil sa’kin if ever. Tas mag-bebenefit pa kaming dalawa. Hihi.

Ang naiisip ko rin isama ko na sa lahat ng plan ko na “change for the better 2011” si oso. Hehe, ba’t ba. Parang ang fun e. :P pero hindi ko pa alam kung ano yung mga change na yun. But one thing I’m already sure of, magtitipid ako para makapag-give. I want to bring back to God everything he had given me, kahit sa simpleng paraan lang.

Moving on. Yinaya ko si oso na puntahan ako sa Ever. I am super kabadooooo, because it’s Dec 31, like hello last day of the year, tapos magkakaroon pa rin siya ng lakad. Ano na lang sasabihin nina Tita at Tito? Tapos kinakabahan din ako kasi baka hindi siya payagan umalis. Ako medyo sure na ako kanina na makakaalis ako e. Pero basta. God’s gift, pinayagan siya, pinayagan ako. Edi, here goes our last date for 2010 :P

Tapos 150 lang pala ang pera ko kanina, akala ko kasi nasa purse ko na ang pera. Buti na lang 30 minutes lang ang massage time ko, so 120 php lang. Or else, wala talaga akong pera, AT ALL. Ang saya namang date nun if ever HAHA.

Magoos pizza. Naabutan ko siya nag-bibilyar. Hinug niya ako agad. Pano ba yan, guys. Namiss ako :))))))

Convergys Commonwealth. Plano namin sa Box o Rice, pero closed na pala. Mas maganda sana dun, di masyadong dinadaanan ng tao. So, Starbucks ulit ang bagsak namin HAHA. Ayaw ko mag-order ng matamis kasi puputok na yata lalamunan ko, pero well, pasaway ako. Honey glazed donut at waffle something ang inorder namin. Bat ba HAHA.

Nandun sina Paula, Sepagan, Wendy, etc kanina. Nagpanic ako e. Hayy. Panira moment. Pag dumating yun sa kapatid ko...... E ang landi pa naman ni oso nun HAHAHA k

On a positive note, buti na lang nasa “I-don’t-care mode” ako kahapon. So parang I don’t care sa mga tao sa paligid ko. E paano namang hindi magiging ganun ang state ko, e kasama ko yung oso. Edi siya na lang aatupagin ko kaysa yung ibang tao. Hoho. Kaso may panira pa rin e, yung migraine ko :(

KWAG<3,

spend 2011 with me?

-oso

*He scribbled this across my palm. Siyempre, na-stun ako. Isang oso na gustong makasama ang kwago sa kanyang whole 2011? Wow, that’s OZOOMMMM. Maraming-maraming-maraming tao ang gustong makasama ang oso na ‘to, at I know marami ring tao ang pwede niyang tanungin na mag-spend ng 2011 with him. But above all, he has chosen me to be part of his 2011. Hello, 2011 yun. Hindi yun isang araw lang sa TriNoma, dude, or isang semestre sa UP – isang taon yun, dude! Wazzzzap!

Natakot. Has always been my typical reaction sa mga ginagawa/sinasabi niya sa akin. E kasi, hindi ko alam kung paano sasabihin, so explain ko na lang. Alam naman na niya ‘to.

Dumaan na ako sa sangkaterbang heartbreaking situation. Hindi naman palaging ako yung iniiwan, mas madalas pa nga na ako ang nang-iwan. Pero sino ba naman kasing hindi mang-iiwan sa mga lalaking alam mong ginu-good time ka lang, at hindi ka sineseryoso? Para akong sinasampal ng mga ginagawa nila everytime na magkasama kami. Parang lumalabas lahat sa ilong. Nakakabastos. May situation pang ipang-rirebound ka lang pala, tapos best friend mo pa ang gumawa. May situation pang ipagkakalat muna niya sa public na may gusto siya sa’kin, bago siya umamin sa’min. Kapal. So ayun, napakasaya :)

Since then, I forgot how to trust people, particularly boys. Nakalimutan ko na rin mag-entertain ng mga lalaki (yes, hindi na ako sumakay sa mga landi stuff ng mga boys). Nakalimutan (o pinilit?) ko na ring makaramdam ng mga bagay-bagay. Nakalimutan ko na rin “magkagusto”. At nakalimutan (pero, sana hindi) ko na ring magmahal.

O baka naman, natatakot lang ako na maulit ang lahat. Natatakot na akong magmukhang tanga, umasa, at masaktan.

asdfghjklllllll – basta yan.

Kaya nung tinanong niya ako sa pag-spend ng 2011, nag-smile na lang ako. Ayokong mangako, tapos hindi pa naman pala ako totally healed, or totally ready. Basta kung anong meron sa’min, I’ll enjoy this muna, at mas lalo ko pa siyang kikilalanin. Pero yung mere fact na gusto niya akong makasama sa buong 2011 niya, napa-wow na lang ako e.

Later that afternoon, pinipilit na niya akong sabihin kung ano yung sasabihin ko. Actually, suggestion ni Mommy Kreng yung sasabihin ko na yun. HAHAHA oo sa kanya galing yun nung nag-usap kami nung upper hh x-mas party. Ang galing nga e, kasi naintindihan niya yung feelings ko that moment. =)) sabi niya, “Feeling ko, gusto mo na siya, pinipigilan mo lang sarili mo.”

I DONUT KNOOOOOOOOOOOW :(

Tumatawag na tatay ko. Hindi ko muna sinagot. Nag-isip muna ako ng idadahilan ko. Nung una dapat sasabihin ko sa church, kaso in the end, sinabi ko ring nasa Conve ako, ayoko na mag-lie e. Makes me feel unworthy of Christ’s love. Srrslyyy.

So habang nag-iisip ng idadahilan sa Dad ko, I’m touching oso’s sides. Hinihipo ko, tas pinopoke. Hihihihi. Hohoho. I really like doing that hihihi. Napapausog siya e. Napapakislot. Nanginginig. Tas ang pinaka-cute yung nagpipigil siya dahil nakikiliti na siyang sobra :”> pero wala siyang magawa dahil nasa public place kami hahahaha. Tinatanggal niya yung kamay ko, tas yung chura niya stressed out e, tas nagmamakaawa na itigil ko na raw. Omg so cuteee!! HAHA. Tinatakot pa ako na gaganti raw, sus utot niya. Basta. Imagine mo isang oso, fierce and wild, tapos ang weakness lang, e yung sides niya kapag pinopoke =)) waaa <3>

btw, yung tiyan niya namiss ko ng sobra :)

Tapos..serious na.

Nagdasal muna ako na i-guide ako ni God sa sasabihin ko sa kanya, kasi nung time na yun di ko pa alam kung sasabihin ko na, kasi hindi ko pa feel e haha, kaso mapilit na siya e. E di sinabi na rin haha. Weak. Parang ganito.. pero hindi yung exact,

“Alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon di’ba? Yung natatakot. Nakalimutan ko na pano magkagusto sa isang tao... BLABLA. Pero posible kitang magustuhan, gustong-gusto, at posible ring ma-fall ako for you.. pero ngayon, hindi ko pa alam kung paano. Basta ang alam ko, posible yun. Pwede mo ba akong tulungang mangyari yun?”

“Sure,” ito ang isinagot niya sa akin. Something in his eyes and smile ang nagparamdam sa akin na sincere siya, na gagawin niya talaga ang sinabi niya.

Then we need to go to the wash room. May pantog din kami, okay.

Dun sa madilim na part ng corridor papunta sa wash room, he told me these words,

“I have fallen for you already”

(oo, yan yung title ng entry na to hahahaha)

Alam ko tumingin lang ako sa kanya e. Tas napakunot ng noo. HAHA. tas nag-cr na agad. Then right after, tumambay muna kami dun sa corridor, tapat ng Burby’s grill.

Nung una yata wala kaming pinag-uusapan, naghahug lang, tas di siya nakatiis e, kiniss ako sa forehead hahahaha. Tapos kunyari nakalimutan pa e, sabi niya, “Ay bawal na nga pala..” kasi sabi ko sa kanya nung 22, yung xmas party namin, next year wala nang kiss ha? First and last na to. :))

tas impulsive na naman, sabi ko, “Hindi pa naman next year a.”

=))))))))))))))))))))) i’m so wise. my gash =))))))))))))))) :”>

Moving on. Tinanong ko kung kailan at paano niya nalaman na mahal na niya ako. Kailan? Nung nakakasama na raw niya ako, at nung napansin niyang kinukumpara niya ako sa mga babaeng nakikilala/nakakausap niya.

Parang naalala kong sinabi niya kapag may na-mimeet siyang girls, “May curve din ba yung lips niya pag nag-ismile tulad nung kay Yane? Yung hair ba niya may kulot-kult din? Ganito rin ba siya mangiliti? Sweet din ba siya? Kapag tumitig ba siya sa akin, na-ispeechless din ba ako?”

Maraming-marami pa siyang sinabi. Yan lang naalala ko. Sige ako na magaling ang memory ahahahahha

Sinabi ko rin, “Wag mo ko iiwan ha.”

Sabi niya, “Promise. Cross my heart. Hindi kita iiwanan.” Nag-sign pa siya sa heart niya nung nagpapromise thingy.

Nung moment na yun, gusto kong umirap e. =)) I’ve heard that many times before. At pag naririnig ko ngayon, natatakot na ako. Sige ako na ang matatakutin. Parang ganyan yung feelings ko toward Fireworks. Dati, gandang-ganda, tuwang-tuwa ako kapag nakakarinig o nakakakita ako ng paputok. By paputok, I mean yung ‘sinturon ni hudas’ ‘pla pla’ etcetera. Pero ngayon, pakiramdam ko, any moment may kakayahan ang mga paputok na kunin ang buhay ko at ng pamilya ko. Kaya kapag nakakarinig ako ng paputok, labis ang pagkabog ng dibdib ko e.

So nung narinig ko yun, napa-frown yata ako, unintentionally HAHAHA. tas inassure na naman niya ako na iba siya sa ibang lalaki, at seryoso siya sa akin.

Kinabahan na naman ako. E bat ba. Trademark reaction ko na yun e. Haha.

Rinevolving hug niya pala ako kagabi. Okay wala lang. Tapos kinarga niya ako para makaupo ako dun sa higher place. Di ko kasi kayang maabot e hahaha. Then we hugged each other endlessly.

Pagagalitan na kaming dalawa kaso ayaw pa naming umalis. Tumawag na Mom niya, naiinis at pinauuwi na siya dahil aka wala na siyang masakyan. Ako rin, hinahanap na ng tatay ko. Ayaw niya pang umuwi kasi kini-kiss niya pa ako. Alam mo naman yung oso na yun, sugapa sa kiss. JOKE HAHAHAHAAHAHAHAHAHHAHAHA >:D<>

Btw, bakit pag siya yung nagnanakaw ng kiss sa’kin, okay lang? I meant, hindi BV. Na-eexcite pa nga ako e. Hihi uyyy! Twice or thrice niya ata ginawa yung kagabi. Nung habang nagtetext ako at nung paakyat kami ng stairs. Parang ang sarap pa nga ng feeling e haha

Akala nga niya, akala ko rin, Dec 22 na ang last date namin. But naaaaah. Nag-risk kami parehas para sa date na ‘to. Hello. First time na may i-meet ako ng Dec 31. Bisperas na yun, day. So andun ang risk na, mapagalitan kami both. Pero God’s gift e. God wants us to end 2010 and begin 2011 with a blast. Blast na mas malakas pa sa nuclear bomb. Okay o.a. na. Osong acute.

Ayun. :D nagthank you siya kasi napasaya ko raw siya. If only he knows na napapasaya rin niya ako sa mga ginagawa niya. Well not that type of exaggerated happiness. Sakto lang. Para in the near future, may matatawag pa akong perfect happiness. HAHA

PS: Wala kaming picture kahapon :( FIRSTIMEEEE!