Sunday, April 24, 2011

Para noong Abril 12

Papauwi na ako mula sa Aklan.

Sa Kalibo airport, ang lungkot ko, dun ko lang narealize na ang sakit pala mag-goodbye. Hindi ako ganung nagtagal sa Aklan pero yung feeling na mag-isa lang akong magtatravel, at iiwanan ko ang mga kapamilya kong malalapit sa Aklan, makes me feel awful.

Nung nakasakay na ako, ang iniisip ko lang si Oso. Nagwiwish pa nga ako nun na sana magkita kami that day kasi super duper miss ko na siya.

Pero ang daming hindrance. Maglalunch pa pala kami sa Robinson's tas ihahatid pa yung Tita ko sa airport. Tas around 3pm magmimeet kami nila Fato, Apol, at Dindin. So Im not sure kung may chance pa kami magmeet.

Pero ewan ko ba. Ang galing nila Father at Mother. Alam nila ang laman ng puso ko. Ayun, pumayag si Marti (kahit busy siya mag-empake at sa iba pang gawain) na puntahan ko siya sa bahay niya. Ang saya ko talaga nun. Di ko maimagine kung ano mafifeel ko kapa nireject niya yung pagpunta ko dun sa kanila. I will be wretched. Haha.

So andun na ako sa kanila. I hugged him tightly. Super tight ayaw ko siya bitawan, super namiss ko siya! Di ko akalain na ganun ang feeling ng isang nagbabalik at ng muling pagkikita. Sa tv kasi parang ang oa nila, yung teary eyed pa tapos napapatulala and stuffs. Pero totoo pala na ang sarap pakiramdam pag nagkita na kayo nung taong importante sayo, matapos ang isang mahabang (oo, para sa akin mahaba e) na hindi ninyo naramdaman ang pisika na presensiya ng bawat isa.

Tapos sabi niya sakin, nag-antay daw siya ng 11 days para sa araw na ito. Ibig sabihin, inaantay niya talaga ako slash namimiss niya ako. Haha. Ang sarap sa pakiramdam na uuwi ka nang may uuwian.

Anyway, ayun pagkahiga ko sa kama. Nag-attempt na siya halikan ako. Ayoko pa nga e. Di pa ako ready hahaha. Pero ramdam ko nun ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang lakas - feeling ko tumatama na puso ko sa dibdib niya.

The best feeling ever - idinampi niya ang malalabot niyang labi sa akin. Gusto kong umatras, pero cornered ako. Di ko alam ang gagawin ko. Lahat ng senses at nerve endings ko nun nagwawala....

Hanggang sa nagpalitan kami ng halikan ng pagmamahalan. Iba talaga ang halik ng isang Basorexic.

Wednesday, April 20, 2011

Uncertainty

Dito nagsimula ang lahat.

Kung dito rin magtatapos, fine, tatanggapin ko.