Thursday, February 24, 2011

Brain Test

Your Brain Usage Profile:

Auditory : 15%
Visual : 84%
Left : 42%
Right : 57%


Ariane, you are somewhat right-hemisphere dominant and have a strong visual preference, a blend of characteristics which typically apply to persons with an "artistic" temperament.

In all likelihood, you naturally act in the way that people have come to expect artists to act. With your dominant visual learning style you are active and seeking, working to absorb all of the facets of your environment. Your mind rarely rests, for even when you are not scouring the environment you are turning your searchlight on your own internal processes.

You are intense! In continually processing the data as you do on a multidimensional level, you spend little of your time in reflection -- or sometimes in social niceties. There is a high probability that you are "out of check" -- though not out of control -- sometimes, swept away by the feelings of the moment. You are one of those individuals that may well attempt to assemble a complex piece of equipment without reading the directions or following a sequence, though you might look at the diagram. Sequencing your own behavior is problematic at times.

You are rarely reflective about yourself or your motivations. You know when things are right because you feel it, you intuit as automatically as you breathe. With others, you tend to "go with your guts," not needing rules or expectations to govern your friendships.

You absorb material rapidly and randomly, it is filed "helter skelter" internally. Listening or learning from materials presented in a purely verbal fashion is not your "strong suit" and your performance in situations designed for left-hemisphere dominant persons will not always measure up to the expectations of others. If you have particular learning needs, it is to sequence material and remain focused while you are processing, to develop "structuring" techniques, and to become more efficient with your spontaneity and creativity.

Take it too! It's so accurate O_O


MY SECOND TRIAL :D

Your Brain Usage Profile:

Auditory : 37%
Visual : 62%
Left : 41%
Right : 58%


Yane, you possess an interesting balance of hemispheric and sensory characteristics, with a slight right-brain dominance and a slight preference for visual processing.

Since neither of these is completely centered, you lack the indecision and second-guessing associated with other patterns. You have a distinct preference for creativity and intuition with seemingly sufficient verbal skills to be able to translate in any meaningful way to yourself and others.

You tend to see things in "wholes" without surrendering the ability to attend to details. You can give them sufficient notice to be able to utitlize and incorporate them as part of an overall pattern.

In the same way, while you are active and process information simultaneously, you demonstrate a capacity for sequencing as well as reflection which allows for some "inner dialogue."

All in all, you are likely to be quite content with yourself and your style although at times it will not necessarily be appreciated by others. You have sufficient confidence to not second-guess yourself, but rather to use your critical faculties in a way that enhances, rather than limits, your creativity.

You can learn in either mode although far more efficiently within the visual mode. It is likely that in listening to conversations or lecture materials you simultaneously translate into pictures which enhance and elaborate on the meaning.

It is most likely that you will gravitate towards those endeavors which are predominantly visual but include some logic or structuring. You may either work particularly hard at cultivating your auditory skills or risk "missing out" on being able to efficiently process what you learn. Your own intuitive skills will at times interfere with your capacity to listen to others, which is something else you may need to take into account.


I'm quite more convinced with the first result though :D Take the test here!

Wednesday, February 23, 2011

Lord,

Kakapagod mag-isip, mag-type, at mag-worry.
Try kong umidlip a, tas gusto ko paggising ko parang wala nang problema HAHA ilusyon e.. pero sige na, please? For today lang at tomorrow at sa friday.

THANK YOU FOR TODAY Mahal kita >:D<

Sana umayos na ang period key ko, nakakapikon hahaha
Sana rin mag-aral na nang mabuti si marti hahaha
Sana rin umayos na si abby joke hahaha
Sana makita ko kayo after all of these :D mwa

Saturday, February 19, 2011

Fan fic dream

Waaa. I became Sakura, at isang kriminal na character na laging nakaposas.
Yung unang dream, anak daw ako ni Pnoy, or isang respetadong politician. Tas inabduct nila Dad ko. Nakita ko na paalis sila. Kinuha ko platenumber. Hanggang sinabi ko sa Mom ko, tapos rineport namin sa police sa baba. Weird kasi, sumama Mom ko. So sabi ko sasama rin ako. Mas weird kasi tricycle lang sinakyan namin. Tapos humabol lang ako nun e, tas pumasok ako sa loob ng trik sa may baby seat. tapos, yung feeling na, ganun pala yun, hinahabol mo yung bad people, kasi andun yung dad mo. Grabe nerve-breaking e. Sobra. Feeling mo any moment pwede nilang saktan Dad mo. Waa. Tapos may kasama akong good boy police, pero nakapang-navy force uniform. Omg lang kasi naging partners kami sa paghahanap kay Dad. Tapos nung huminto na yung sasakyan nung mga kriminal. Huminto sila sa Catbalogan st. Sabi ko nga wtf. Dito pa e, taga-dito kami. Kapitbahay lang pala namin gumawa. Mga ganung tipo. Waa. Tapos nung andun na kami. Si partner sabi niya, shit, tagadito kayo? umalis daw kami. kasi pag na-spot kami or something baka may gawin kay daddy or something. Naghanap kami ng escape zone nun, as narealize namin, lahat may CCTV camera. wtf ulit dahil may laser pa, at tumunog yung laser!!! na-spot kami ng laser. Tapos narinig ko raw yung asawa nung kidnapper na nagsabi, Honey, may glitch na naman ang system natin, kindly check it! something like that. sabi ko, shit, lagot na. pinaandar niya yung tryk nang sobrang bilis e! hanggang next venue namin sa isang dept. store. Tapos nagflash sa dream ko yung nashotan ng CCTV cam, yung tryk daw, tapos ibabang bahagi lang. kita yung sapatos ko, naka-black school shoes pa nga ako nun e. tapos yung shoes nung partner ko. tapos dept. store na. Nakalimutan ko na yung iba, ngayon masakit ulo ko e.

Tapos, nakita ko si Jonathan sa dream ko. Kinuwento ko raw sa kanya na ako si Sakura nung panahong yun. tapos may kasama ako nung time na yun, technohub ang feel nung aura dun e. tapos yung kasama, nagtatatalon over the roofs ng mga bahay. tas sabi ko kay nathan, A, that one, i can do that too! Ohaaaa tigasss! ako na ang flying Sakura. sabi ko pa, hindi ko nga matanggal yung feeling na nakapantulog ako, pajama and all, kasi ganun ang usual get-up ni Sakura.

Tapos may glimpse ng pre-runaway scene sa utak ko. Sobrang habulan daw yun isang magarang condo/hotel. Tapos nakikihabol din ako. Maaksiyon e. Pagkagising ko nga, pagod utak ko't katawan.

Pero hindi ko makakalimutan yung feeling na, nasa loob ng car ng bad guys ang dad ko, tapos, waa, ung feeling na, sana maabutan namin sila, sana mahuli sila, sana ligtas ang dad ko. Tangina niyong kriminal kayo.

Ganyang feeling. Sakit e.

Nagpaparamdam na Dad ko Di ko kasi siya nakausap nang maayos kagabi. Puro writing stuffs inatupag ko nung tumawag siya saakin. Absorbed akong masyado sa ginagawa ko, nakalimutan ko na na nakikipagcomunicate pala siya sa akin. :( yea, my bad there.

Waa. I need someone to talk to!

Upper hh

Uh. My 22nd rose, nakuha ko rin.
Ang dami ko ng rose. Ngayon ko lang na-feel na ang special pala talaga pag nabigyan ka ng isang tao ng rose. Sa trinoma mo man binili yan, o sa diyan lang sa kalye.
Yung feeling na nag-abala sa'yo yung tao, at nag-ipon siya para sa'yo, para lang maiparamdam sa'yo na may special place ka sa puso niya? Wow, ang sarap maramdaman nun.

Finally, nasabi ko na kay sectorhead ang sa'min ni oso. Sana mas comfy na kumilos when we're around him.

At yung hh kanina, na-feel ko ang mainit na welcome ng isang pamilya sa'kin :D di ko sobrang close ang mga tao du, dahil di ko naman sila madalas makasama, pero yung fact na nakatatawanan ko sila, nakakakulitan, nakakapicture-an, nakakashare-an ng gist ng mga lovelife, a, pakiramdam ko, may pamilya talaga ako :) Ito ang mga panahong sinasabi sa'kin ni God na wag kong iwan ang YFC family ko. At ayaw ko nga talagang mangyari yun.

Thank you, Lord. I love you too.

Wednesday, February 16, 2011

:(

Lord... :((((((
courage Lord :((((
alam kong mahal mo ko. sana makita ko positive sa mga nangyayaring to.
ano ba gusto mong iparating?
:((
pwede bang humingi ng isang araw na break sa mga problema??????
kahit isang araw lang.

Good morning

Monday, February 14, 2011

So this is how it feels like


to celebrate the fourteenth of February with a special someone. I feel like... floating (LUTANG) HAHA.

Nag-meet kami sa mcdo ever, binigay niya roses at krispy kreme niya. Aww three roses yun te :">

Sinamahan pa ako sa FEU nung magmimeeting sana kami, kaso four lang nakarating kaso ultra late na. Tapos sinamahan sa Don antonio sports complex para mag-weewee haha. Tapos nagpark, tapos nasuper duper hot... alam na niya yun HAHA

Amazing race kami papuntang sinehan e, 5:35 na kasi nun e 5:40 yung Tangled! HAHA. Btw, i loved eating cheesy popcorn with him at the movie house, ang cheesy rin namin e hehe :P :P First time pala naman both mag-valentines date. Sooo soo memorable! :)

Then we met up Fato, Nathan, and Isay, then kuwentuhan to the max na while eating sa foodcourt sa may landmark.

Masaya okay, thank you God :) Ayoko pa nga bumaba ng kotse nung sinisipa na niya ako paalis e! HAHA
any, good night! Hope you had a great valentines day!

Saturday, February 12, 2011

Must go to DSWD/Gabriella

di ko masimulan si 174 :(
tama si glecy. dapat gamay mo ang suject matter para sunod sa flow na lang pag nagsulat huhu

A wait alam ko na.

Wala pala kasi ang pamilya ko dito sa bahay. Ako nga lang pala mag-isa. Tapos yung ano pa. Ayun sige.

Something's not right.

Di ko lang ma-point out kung ano yun. Kbye.

Batman! Comic Book Flats

Imma do youuuu! Mag-174 muna ako hahahaha excited na'ko gawin ka wahahha ;)

2nd life

Narealize ko while I was visiting Ara yesterday na second life ko na pala to.

Nagkaroon na rin kasi ako ng Dengue noong Grade 4 ako. But lucky enough, hindi naman ako umabot sa stages na kinailangan nang salinan ng dugo. Hindi kasi bumaba ng 50 ang platelets ko.

And praise God dahil hindi ako namatay tulad ng kapitbahay naming high school student pa lang dahil hindi lumabas ang mga simptomas ng Dengue nang maaga, at hindi rin ako natulad sa mga napapanuod ko sa TV na walang pinansyal na kakayahang magpa-confine sa ospital kaya nadededo nang walang kalaban-laban.

Narealize ko, ang swerte ko pala. Dahil hindi pa rin kinukuha ang second life ko, at hindi ako natulad sa ama ni ate jamie (may he rest in peace) na sumunod sa pagkamatay ng asawa after two months. Hindi rin ako natulad kay ate jamie na nawalan ng dalawang magulang sa isang iglap lang.

Mahal talaga ako ng Diyos.

I still get the chance to be with my family and friends. Nakakain pa rin ako, nakakatulog, nakakakanta't sayaw, nakakapagbasa, nakakapagdasal, nakakahalakhak, nakakaiyak, nakakapag-nail polish, nakakapag-blog, nakakapagtext, at kung ano-ano pa.

Second chance na pala 'to, e bakit ko sinasayang?

Wednesday, February 9, 2011

Remind yourself

na meron kang draft ng hilarious na akda na nakasulat sa isang index card. nakaipit yun sa organizer mo. pinuhin mo yun at maikling kuwento ang kalalabasan nun. Aryt? Tomorrow! :)

Wala nang sapilitan ngayon

Magsusulat na talaga ako dahil gusto ko.
Hindi dahil kailangan ito.

Made my night

yane-pot, ang gaganda ng pix mo. di na ako sasali. lugi din ako kasi may entry fee na 100. akala ko libre. tnx anyway. :) - tina pangan

The very first time na may nag-commend sa photos ko. Thank you, Tina :)
(Dapat kasi sasali siya sa isang haiku contest with photos about philippines something, at makikihiram siya ng photos sakin. Pero yun nga may 100php fee kaya di na siya sumali. Hihi. I still enjoyed her words. Goodnight!)

Paulit-ulit? Unli unli?

Siguro nasa nature lang ng tao na kahit narinig na niya ang isang bagay, hindi pa rin niya gagawin basta hindi siya sigurado. Kumbaga, nagbibingi-bingihan siya sa mga bagay-bagay, kasi pakiramdam niya walang kuwenta. Di kaya'y di niya magagawa.

Today. 11:30-1pm lang class ko, Komm 3. Pero nasa school ako ng almost 13 hours. Could you believe it? One class lang dude pero half day akong nasa school. Nagrereklamo pa nga ako kanina kasi ayoko magcommute, may tigdas-hangin kasi si Ara, e aalis sila nang maaga. So sumabay na ako. Ayoko rin kasing pumunta sa school nang maaga dahil maliban sa di ko madala laptop ko, napapagastos ako sa lalamunin ko. Pamerye-meryenda, pero, naka-isang daan na rin pala.

Pero, iba-ibang tao ang nakasalamuha ko ngayon.

Una, si Cheska, around 1pm, casual lang na usapan, tapos napatanong ako, paano mo ginagawa ang works mo? Inuupuan daw niya nang isang gabi. Kung kaya niyang tapusin, tinatapos na niya. Tinanong ko kung paano. Sabi niya, kinokondisyon niya ang katawan niya. Gusto niya kasing di mafeel ang frustration sa paghiga niya. Gusto rin niyang makapanuod pa ng movies pagkatapos ng mga gagawin niya. Gusto rin niyang matapos na agad, simple lang, dahil ayaw niyang mag0cram, baka raw mahimatay siya pag days before niya ginawa. Basta, gabi pa lang na yun, kinokondisyon na niya ang isipan na tatapusin niya. Thru dedication, natatapos niya.

(Namatay pala ang itay ni ate jamie. segway. siya rin yung namatayan dati ng ina, mga halos isang buwan lang nakakaraan.)

Ikalawa, si Ruel Aguila, ang adviser ng UP UGAT, nag-lecture siya kasi. Sinabi niya kung gaano ka-blessed ang generation namin sa pagsusulat dahil noon walang libro, kung meron bihira lang, walang computer, walang MP courses, walang workshops, walang UP Ugat. In short, walang opportunities na makapagsulat.

Sinabi rin niyang kung gusto talaga naming makapagsulat. Baguhin namin ang attitude namin. Kung tatanungin daw ako kung bakit ako nagsusulat, ang sasabihin ko kasi ayaw akong madelay ng Papa ko. Gusto na raw kasi niyang magpahinga. A sige, sige lang talaga. Binasag lang naman niya kami.

Ang sabi kasi niya, kung gusto talaga naming makapag-trabaho nang mabilis, walang ibang madali at mabilis na paraan, kundi magpakahusay sa larangan mo. Yun lang. Kung writer ka, aba, pag-igihan mo ang pagsusulat. Paano? I-mind set mo na kaya ka nagsusulat dahil tanggap mong Lifetime Development Process ito. Tanggap mong magpapakahusay ka dahil gusto mong maging manunulat para makapagtrabaho nang maganda.

Sa totoo lang, yung statement niyang yan, applies to everything. Magsusulat ako ng ibang entry tungkol diyan sa ibang araw.

Ikatlo at ikaapat na tao, si Kuya Ronel, alumnus president ng UP UGAT, at si Tina, secretary. As usual, nagkuwentuhan, nagbackstaban, nagreklamuhan, ukol sa mga nagaganap sa UP, sa UGAT, at sa kung saan-san pang mga bagay. Pero ang pinakanakuha ko sa kanila ngayon? Yung pwede pala, posible pala, basta subukan mo lang. Si Tina, winner sa Orosman at Zafira contest, at Walong Filipina essay writing contest 1st place. Dahil dun nagkapera siya't nakabili ng sariling digicam. Si Kuya Ronel, nakapag-exhange stud na sa Korea. Oo, libre. At ipinangako raw niya yun sa sarili, na sa 18th niya dapat nakapag-abroad na siya nang libre. Natupad nga niya. Paano?Nag-apply siya, at kumuha ng basic korean course. Pagkatapos nun ay kaunting deliberation, poof! Lipad Korea na siya sa isang taon.

Si Kuya Ron, magna nang grumadweyt. Si Tina, magna standing ngayon. Tapos ang pakiramdam ko sa panahong kinukuwento nila iyon e, bakit? Paano nila nagagawa yun? Tapos nagsabi si Ronel, basta ako may goal ako. Ang goal ko inaabot ko. Dapat maabot ko. E ang goal ko dati to graduate with honors e. Ayan, may honors nga ako. Si Tina naman, gusto niyang kumita. Pero wala siyang trabaho. Ano ginagawa niya? Ginagamit niya ang skills niya. Nagsusulat siya. Sumasali sa contests. At ayun, nananalo siya! at hindi lang simpleng premyo ang mga napapanalunan niya ha. Sinabi rin ni Kuya Ron na baka blessings sa kanya dahil Christian servant siya. Tinamaan ako nung sinabi niya yun e haha. Si Tina rin pala, panay ang panonood ng mga dula, upang mainspire siya diumano at matuto. Nainspire naman ako, dahil napakasigasig niyang mag-aaral. Talagang ineexpose niya ang sarili niya sa mga dula para flow of experiences na lang ang isusulat niya pag magsusulat na siyang talaga.

Any, sila yung dalawang taong importante sa'kin, sa paraang, alam kong di ko mahuhubog ang sarili ko, kung hindi sa tulong nila. Lagi silang nagbibigay ng oras at tulong sa akin tuwing kailangan ko, at hindi lang yun, napakahusay pa nilang manunulat, leader, at kaibigan. sila na talaga.

Ikalima, si Marti. Nagkukuwento ako sa kanya tungkol sa postponed, once again, na meeting ng FEU Fern. A sige lang talaga, sabi ko nga, nafifeel kong worthless ako e. Pero iniisip ko na lang yung sinabi ni Alain na kung ginawa mo na ang best mo, yun na yun, kung di nila maibigay yung kanila, wala ka nang kasalanan dun. Sabi naman ni Marti, i-push mo pa sila para di ka mapressure.

Tama nga naman siya. Kung ayaw kong mapressure, bat hindi ko na lang ibigay sa iba ang pressure? In that way, lahat kami naiistorbo, lahat kami napapaisip, lahat kami kumikilos.

Lastly, si Mitch Albom, Have a Little Faith author. Book to ni Marti e, binabasa ko pa rin siya ngayon, pinagtatyagaan ko kasi di ko pa rin matapos almost a month na. Pero go lang. Binabasa ko pa nga yun sa rest room e. Tapos, nastruck lang ako sa isang kuwento dun. Tungkol sa isang magsasakang naghahanap ng trabaho sa sakahan. Ibinigay niya ang letter of recommendation niya sa owner na ang nakasulat lang ay I sleep in a storm. Dahil desperado ang owner, tinanggap niya. Makalipas ang ilang linggo. Dumating ang malakas na malakas na bagyo. Nataranta ang owner. Lumabas sa silid niya't hinanap ang kaha-hire pa lang na magsasaka. Pero natutulog ito. So, pumunta siya sa barn niya, nagmamadali siya e,nag-aalala siya sa mga alagang hayop niya. Pero nang makita niya ito sa loob, aba, secured silang lahat, at maraming nakaimbak na pagkain para sa kanila. Lumabas siya sa field, nakita niya ang mga palay niya'y nakabalot na ng tarpolin. Pumunta siya sa silo, kinakabahan pa rin, siyempre, nandun ang lahat ng pinaghirapan niya e. Pagdating niya dun ay nakasarado ang pinto, at lahat ng mga bigas ay tuyo. At doon, naintindihan niya ang I sleep in a storm. As a conclusion sa sermon ng pastor na iyon, sinabi niyang.

"If we tend to the things that are important in life, if we are right with those we love, and behave in line with our faith, our lives will not be cursed with the aching throb of unfulfilled business. Our words will always be sincere, our embraces will be tight. We will never wallow in the agony of ‘I could have, I should have’. We can sleep in a storm. And when its time, our goodbyes will be complete."

Di ba? Halos paulit-ulit pinahatid sa'kin ni God ang mensahe niya today. Kung ano man yun, teka susubukan kong isuma.

Gawin mo na ang mga dapat mong gawin. Live your life, learn from it. Love.


Ang kulit niya no? Ang kulit-kulit, pero kahit anong kulit niya kasi ayaw ko siyang pakinggan kasi feeling ko cliche na. Feeling ko wala namang relevance sa'kin yun. Pero, ngayon ko na feel na kailangan ko pala talagang mag-aral mabuti, magpakatuto mabuti sa mga klase ko. Dahil paglabas ko ng unibersidad, hindi uno grades ang hinahanap, kundi ang kagalingan sa kasanayan at karanasan. Kaya habang may panahon pa, bakit hindi ko iexpose ang sarili ko sa iba't-ibang bagay, at matuto ng maraming bagay? Magpakahusay. Yun lang daan para hindi ako madelay, at para makapagpahinga na ang Papa ko. At para mapangiti ko si God. Parang ngayon, todo-smile nga siya o.

=)




Monday, February 7, 2011

Dear Lord,

sumasakit na naman ulo ko.
sign na napre-pressure na naman ako.
sana mawala na po to, at magawa ko isa-isa ang mga dapat kong gawin.
peace of mind po. :D
talamat po, love you too! -Y

ps: thank youuuu may meeting na ulit kami. mahal mo talaga ako. kinikilig ako :">

Sunday, February 6, 2011

This is how God workssssss

yupyupieee8:12 PM
8:12 PM
Me
MARTI Lacambra
okay 8:16 PM
tuloy meeting niyo bukas?8:16 PM
prang hndi haha8:17 PM
Me
MARTI Lacambra
oh okay why? walang nagconfirm talaga?8:18 PM
mej magulo kasi..8:19 PM
basta tom malalaman 8:19 PM
kasi nabigay ung waivers nung fri lang8:19 PM
e di namin alam kung sino ang mga confirmed na pupunta.....8:19 PM
SO.8:19 PM
baka wed na lang para maayos.8:19 PM
tapos sa mga next next week, monday na ulit 8:20 PM
Me
MARTI Lacambra
ohh8:20 PM
okay okay.8:21 PM
i hope maayos agad! 8:21 PM
pagpray kita jeje8:21 PM
hUgZ pOwhS 8:21 PM
thank you, sectorhead 8:22 PM
hihihihihihiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii 8:22 PM
Me
MARTI Lacambra
stop iiiit! 8:25 PM
friend gusto ko. 8:26 PM
stop itt daw haha8:31 PM
thank you, friend 8:31 PM
thank you, oso 8:31 PM
oyiee kumusta na pala ang prayer mo bout that? 8:32 PM
Me
MARTI Lacambra
kinakamusta ako ni alain.8:32 PM
di ako makasagot kasi di ko nagagawa.8:32 PM
8:32 PM
huhuhu sorry ang fail8:32 PM
haha :/8:32 PM
8:35 PM
darating din si God sayo 8:35 PM
I KNOW.. hihihi8:35 PM
alam mo ba, kahapon, umiiyak ako, kasi badtrip talaga ako sa mga tao sa fern, at sa buong yfc fern mismo8:36 PM
tas nafeel ko pa na "false hope" lang yung binigay ni God sakin last week na makakapagmeeting kami8:36 PM
kasi mukang wala na naman e8:36 PM
tas ngayon lang8:36 PM
diba nagload ako?8:36 PM
8:36 PM
nagtext kasi si sheena nun,8:37 PM
sabi niya,8:37 PM
ate yaner, may mga bibili ng shirts! tas mga 5 more sila. some of them, bago 8:37 PM
tas nagulat ako 8:37 PM
tas yun, nakausap ko naman si Aimee. nasa ospital daw siya. pero, kahit andun siya, nangungumusta pa rin siya sakin bout the meeting8:37 PM
tapos snabi ko na sa kanya yung tungkol kay Rabs na napapanghinaan ako ng loob sa taong napakalaki ng expectations ko.8:38 PM
kasi wala siyang paramdam at all e.8:38 PM
sabi niya, "andito kami. we'll fight all together."8:38 PM
sinet-up niya ang meeting. by that, kakausapin daw niya moderator namin. at mangongolekta raw siya ng waiver.,8:39 PM
at sinuggest niya pang mag-hh na kami, for real, this time.8:39 PM
tapos nagtanong na agad kung san pwedeng venue8:39 PM
sabi ko pwede dito samin, pero kung pwede senyo senyo na lang.8:39 PM
tapos, OO agad siya, pede raw sa bahay niya.8:39 PM
tapos nagtanong na siya kng sino sno pupunta sa hh.8:39 PM
tapos yung meeting daw, sasamahan din niya ako, kasi close siya sa 2st yr students.8:40 PM
HA.8:40 PM
Yan si God o.8:40 PM
Kahapon, ang fucker ng araw ko.8:40 PM
Fucker tlga e.8:40 PM
Tapos in just almost an hour, kinalabit ako ni God. tas sinabi niya sa akin, "Gagawin ko na yung iba, part mo na lang."8:41 PM
Me
MARTI Lacambra
talaga? how?8:41 PM
Isang tao lang, pero nabago na naman pananaw ko 8:41 PM
8:41 PM
Alam mo yung mga ganung mode ng life. nakaka-ano e 8:41 PM
ay oonga pala, di natuloy hh namin pala dapat kahapon yun e, kaso walang nagconfirm.8:42 PM
ayun.8:42 PM
tas kala ko walang mag-oorder ng shirts haha8:42 PM
tas kala ko rin, wala na akong makakasama sa pag-aayos ng meeting.8:42 PM
sakit kasi ng feeling na feeling mo mag-isa ka lang.8:42 PM
yung tipong, tatayo ako, o sige, nakatayo na ako......8:42 PM
PERO, yung mga kasama mo, nakaupo pa rin.8:42 PM
Me
MARTI Lacambra
ikaw pinakaunang pinatayo ni Lord!8:43 PM
you know whyyy?8:43 PM
Sige, sabi ko naman, maglalakad na ako ha? sana tumayo na kayo....8:43 PM
Pero hindi pa rin, nakaupo pa rin sila, nagchichikahan, at take note, tinignan ka lang nila habang naglalakad ka paalis.8:43 PM
yung iba tumatawa pa, tapos ikaw mapapayuko na lang.8:44 PM
siyempre, hihinto ka na lang. ikaw na lang mag-isa e. nakakapagod mag-isa e.8:44 PM
Ganun. Ganun ang feeling pag mag-isa.8:44 PM
Ganun ang feeling ko... for the past few months.8:44 PM
until kanina. not before i talked to Aimee 8:45 PM
Kasi may isang tumayo.8:45 PM
So, tatayo ulit ako8:45 PM
8:45 PM
parang ganun.8:45 PM
chaka.8:45 PM
8:45 PM
Me
MARTI Lacambra
after ng camp niyo, natumba kayo lahat..8:45 PM
after that ikaw pinakaunang tinayo ni Lord.8:46 PM
precisely because you're the one who'd pick them up one by one8:46 PM
8:46 PM
8:46 PM
i-rally mo daw sila ulit8:46 PM
(TIBAK NA TIBAK OH. RALLY)8:46 PM
hahaha8:46 PM
k8:47 PM
sindihan mo ang kanilang nanlalamig na puso.8:47 PM
hihihi ok ambaduy8:47 PM
hihihi ok ambaduy8:47 PM
Feeling ko nga, feeling ko lang yun e, na natumba kaming lahat. Kasi feeling ko, may mga naiwang nakatayo, or nakaluhod. 8:47 PM
Yun nga yung malaking pressure sakin e. Yung mapatayo sila ulit.8:47 PM
Pero whatever. May mapatayo lang akong isa, masaya na ako.8:48 PM
Kailangan ko muna nung buddy e 8:48 PM
Me
MARTI Lacambra
kung mapatayo mo yung isa, dalawa na kayo magtatrabaho8:48 PM
Ganun. HAHAHA. RALLY 8:48 PM
Me
MARTI Lacambra
parami kayo ng parami 8:48 PM
eng'g ka ha. eng'g ka! di ka cal! K.8:48 PM
omg mag malikhaing pagsuLat ka na HAHA8:48 PM
Me
MARTI Lacambra
hahahaha whatever. marunong din magganyan no!8:49 PM
writer din ako nung hs8:49 PM
8:49 PM
Yes, ive been thinking of that na sana dumami kami....8:49 PM
Filipino writer ka haaaa?8:49 PM
8:49 PM
first time ko sa fil nung pumasok ako dito hahahahaha k8:49 PM
Me
MARTI Lacambra
Dadami kayo! God never gives false hopes. Lagi siya nagfufulfill ng promise 8:51 PM
writer lang. haha english filipino )))8:51 PM
pero hindi hardcore tulad mo8:51 PM
8:51 PM
small time lang8:51 PM