Wednesday, May 4, 2011

for May 3

Early morning kahapon nagpunta akong UP para kunin ang certification as a student pero hindi pa pala nari-release, so dumiretso na lang ako sa NBI to get my clearance. I was quite expecting na matatapos ang buong process in an hour or less, but I was wrong. So wrong. From 10 am until 2pm, inaantay kong matawag ang apelyidong David nang makaalis na, at makakain ng lunch. Iniisip ko nung time yung driver, baka nalipasan na ng gutom. But Thanks to Heavenly Father and Mother, nalaman kong umuwi pala sia para ihatid ang Lola ko, so he was able to have his lunch. Tapos, double Thanks to Heavenly Father and Mother kasi kailangang umuwi ng kotse, so sumabay na ako at dun na ako kumain ng lunch. So wala akong gastos for the day. Yay!

30 minutes before ng time na dapat umalis kaming lahat, kino-convince ko pa rin si Abby na, o please come on, sumama na siya sa Church. Pero ayaw niya... So iba ang ginawa kong alibi. Sabi ko, tara UP. Check natin process of application sa Clothing Tech. Grabe. 5 minutes before kami umalis, dun lang siya tumayo sa computer. O diba, ultimate crammer for life. So yun, edi nauna na lang sila Lola kasi super tagal niya. While we're on our way sa UP, kino-convince ko pa rin siya, pacute na nga ako nang sobra e. Parang hindi na ako yun. Di talaga bumababa ang pride ko ng ganun kababa. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, "Basta ayaw ni niya, once, e di ayaw. Off-limits na ako." But yesterday was totally different.

Anyhow, pagdating namin dun, edi natutuwa ako kasi nakakaimagine na ako ng future namin ni Abby sa UP. At least pag pumasa siya dun, may chance na pagtuluyin siya sa pag-aaral. At pati ako. Haha. Ok. Pero joke lang pala lahat yun. Kasi naman, deadline ng pasahan ng application, April 30. 3 days late lang kami, pero wala na e ayaw na tanggapin. So false hopes. Bv na ako. Pero naisip ko rin ang feelings ng kapatid ko nun. E di mas lalo siyang bv. Pinaghahandaan niya ang UP talent test nito e, pinagpupuyatan niya, and all. Kaya ayun, mas lalo ko siyang finorce mag-church..dasal ako ng dasal kay Father at Mother na sana i-grant nila prayers ko this time,kasi inasikaso ko naman ang BIR ko e. Para naman sa Kanila yun.

However, hindi pumayag si Abby sumama sa church. Tinatarayan na nga ako e. Minumura? Yata, i forgot. So habang papunta kami sa church, naiinis slash naiirita slash nabi-bv slash everything nega in the world nararamdaman ko! Napasabi pa nga ako, "Kaw na bahala, Mother. Kapagod. Kung hihilahin mo ako pabalik sa'Yo, go do it. Bahala na, basta pupunta lang ako, pero di ko alam ba't ako pupunta."

So nasa church na ako. Pagpasok ko pa lang, masasayang "God bless you po" na naririnig ko e. Sa greetings pa lang, ina-uplift na ang soul ko... Then I prayed. Tapos kinukumusta na ako ng mga sisters. Then dumating si Sis Val. Kinumusta ako. Sabi ko kasama ko si Abby sa baba kanina, pero di siya sumama. Tinanong naman niya si Apol. Sabi ko tatry raw po niya. So there, nakita ko yung frustration sa mukha niya e, pero siguro split second lang. Tas after nun, inadvisan na ako. Parang sinabi niya na I have to stand firm. May mga ganito talagang nangyayari. Pero in God's perfect time. Chaka, kaya baka di pa sila pinababalik nina Heavenly Father and Mother, kasi baka may kailangan pa ako/kaming baguhin sa sarili namin. (Affected ako nung sinabihan ako nito, alam ko kasing napaka-stubborn ko at napakalupit na sinner, pero over over pa rin akong bine-bless nina Father and Mother.) Tapos nasabi rin ni Sis Val na na-wrong send ako sa kanya ng text kahapon na, "On my way darlin. I love you." Omg, ito talaga pinakanakakahiya e. Sa kanya ko nasend yung text ko, nako! Di ko alam paano mag-explain sa kanya e. So nasabi ko na, ayun, iniinvite ko pa rin si M sa church, pero ayun, tapos mapapailing na lang ako. Tapos sabi niya, "In God's time. May plano sila Father sa'yo, sa atin, kaya nangyayari tong mga delay na 'to. Maybe, kaya di pa Nila pinapapunta rito si M, e para makapag-focus ka. Para hindi ka ma-distract. Kasi may mga ganung cases dito sa church e. So habang di mo siya naiinvite over, study study study the bible diligently."

Then I was like.... 0_0 uhm yea, I thought of that before pa haha. Joke. Hindi ko pa na-foresee yung ganun. Hoo. Ayoko ma-distract, okay lang sa'kin ma-inspire, pero yun, soo soo out of the box! Ok anyway. So yinaya na ako ni Sis tumulong sa paglilinis ng Zion. Kasi that night magkakaroon ng evening service. So afternoon ng mga 5pm siguro, naglilinis at nag-aayos ang mga Church of God members, and they call it "Blessings." kasi anything na gawin o icontribute o itulong namin for the betterment of Zion, nakikita nina Father at Mother, at may katumbas yung blessings.

Nag-start na ako mag-ayos at mag-line up ng chairs, magpunas ng chairs, at maglinis ng bintana. Habang naglilinis ako ng binatana, nararamdaman ko talaga kung gaano ka-holy yung place, at kung paanong ang mere na paglilinis ng bintana, ay nakakapagpa-humble ng isang maereng taong tulad ko. Pinaparamdam sa akin na, I'm truly serving. And it's the joy of Father and Mother, yung kami yung magsiserve, hindi yung ibang tao. Yung pag meron kaming humble mind. Etc..

Nung natapos na sa paglilinis, pinanood ako ni Sis ng video, ang title ay "God's gift." Okay so itong vid na ang way ni Mother para hilahin ang kamay ko na unti-unti nang bumibitiw sa Kanya..

Ang vid ay tungkol sa mga regalo ng Diyos. In actuality, everything, take note of the word everything, in the world is God's gift. Hindi lang naappreciate yun ng mga tao, tulad ko, dahil ang tigas lang nila, ko, hindi namin naaappreciate na lahat-lahat ng bagay sa mundo ay God's gift.

For example, may dumarating na problem, most of the times people will think, "Problema na naman? Bakit lagi na lang akong pinagdaraanan ng ganito? Puro na lang ba kamalasan?" But they don't know na ang dumadating na hardship at trials sa kanila ay gift kay God.

Kunyari ako. Malaki ang hinarap kong persecution sa Aklan. Relatives ko pa ang nagpapahirap sa akin a... Pero I was advised by Deacon na if I overcome this persecution, magli-leap ang faith ko, at kahit anong mababang level ng persecution ay magiging kagat na lang ng langgam. So I tried to overcome. At na-feel ko talagang naging mas strong ang faith ko. Although, nagwe-waver pa rin, pero this time, mas matapang na yung puso ko. Ready to combat na kumbaga.

So there, as I kept on watching the vid, tamang-tama ako e, sapul na sapul sa kalagayan ko. Ang pagiging total sinner - ang pagiging reklamadora, ang mag-grumble everytime na may pagsubok na dumarating.

Pero, sinabi ni Chief Pastor sa vid na walang sinuman sa mundo ang hindi dumadanas ng trials and hardships. Lahat may ganon. Sa Zion yata yun, hindi raw halata na may dinadalang malaking problema ang mga Elohist kasi todo-smile sila.

Pero bakit pa nagbibigay ng trials and hardships si God? To strengthen us, to help us, to bless us more, to help us in everything. Because God only wants the best for us, nothing else. Kaya yang mga trials na yan, magpasalamat daw kami dahil blessings yun. Dapat daw hindi nagrereklamo pag dumadating ang problem. Bakit? Kasi nagagalit si God sa mga laging nagga-grumble. Lalo Niyang hindi tinutupad ang concerns ng reklamador na yun. So instead na magreklamo, pray to God, with thanksgiving. Always with sincere gratitude in the heart. Kasi sobra-sobra sobrang tuwa ni God kapag nagpapasalamat ang mga anak niya sa lahat ng bagay o tao o pangyayari.

Kasi lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao, o lahat ng mga striktang magulang, at masusungit na kapatid sa pamilya, lahat ng mga ito/sila ay God's gift. Nabanggit yata ang dahilan sa james 1:2-3. Pero nakalimutan ko na.

So yun, ang pinakatumatak sa akin e, bakit hindi ko nagagawang magpasalamat kay Elohim God, e afterall, free ang water, free ang oxygen, free ang sunlight, thus, free ang living! Diba, who could created water? oxygen and hydrogen? sun? No one but God! Kahit na we deserve an Earth na supposedly impiyerno-like, dahil nga we almost killed God in heaven long long time ago, sobrang minahal at patuloy tayong minamahal ni God. Why? May free water, oxygen, sun tayo! Meaning hindi tayo gustong patayin ni God. Gusto Niya tayong buhayin. Yun nga lang ang mali natin, nabulag tayo sa sobrang dami-daming blessings ni God.

Sabi pa dun sa vid, lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay blessings. All we have to do is thank God everytime, kasi napiplease Siya sa sa pagpapasalamat sa Kanya.

Then after ko mapanood yung video, super thank you ako sa mind ko, every moment. Nung nakainom ako, nung nakapagmakeup ako, nung nakatabi ko si Sis Mira at Sis Maricel. Super thank you ako ng thank you sa mga random na bagay. At ayun nga wish ko, na ma-resemble ko ang mind ni Father at Mother. Yung mind na hindi nagrereklamo, but serve lang nang serve at thank you lang nang thank you.

Sobrang galing talaga nina Father and Mother. Hinihila pa rin Nila ako pabalik sa kanlungan Nila - sa Zion, where I can truly find peace for my soul.

Okay so moving on, laktawan ko na ang service. Basta kalagitnaan nun or oftentimes pa, napapaisip ako kung paano ako magko-commute pauwi. Kasu nagtext na ang Nanay ko na hindi na raw siya makakadaan ng church at wag na raw pabalikin ang driver dahil sayang ang gas. So sabi ko na lang, sige po I'll go commute na lang po.

So dude, 9pm na after ng service, tapos magcocommute ako, at naka-heels ako, at make-up, at semi-forma attire? Hindi ko yata kakayanin. So nag-iisip na ako ng gagawin kasi 90 lang dala ko, so pag nag-cab ako, surely, maso-short ako kasi mababawan yung 90 e, magiging 40 na lang, kasi may babayaran pa ako. So, jeep lang talaga ang choice. Kinakabahan talaga ako. Kasi naman, commute, 9pm? Wow lang. Sarap ng buhay. Parang hindi delikado gumaa ng gabi e.

So natapos na ang service. Nag-iisip pa ako kung magpapractice ako sa mga sister, kaso hindi na ako makapag-isip kasi naman nagpapanic utak ko, 9pm at commute, 9pm at commute.

But, but but. Narinig agad ni Father at Mother ang hinaing ko. Imagine? Dinaanan ako nila Mama! Wowowow! Dinaanan nila ako pauwi, kahit sa inaalipusta nilang church ako nanggaling. Sobrang na-touch ako kagabi kay Mama kahit galit ang tono niya about the time ng service. Pero bahala na, I just have to stand firm sa faith ko....

Napansin ko rin na ang tahimik sa loob ng pick-up, tapos narealize ko, nag-away na naman sila. Breaks my heart.

So there, ano magagawa ko? Hahay. Just have to pray for them. So anyway, kahit ang epal-epal ko (for them) sa pamilya ko, at kahit sinuway ko ang utos nila, at hindi ko nirespeto ang kanilang pagiging mga magulang ko....

Pagdating namin ng DPS, sumigaw ako (unconsciously) "Ma, tinapay!" Which after a few sec, I realized na, Tae, ang kapal ko, nanghingi pa ako ng tinapay, after all ng ginawa ko sa kanila!

So there, nasa may Red Ribbon na kami nung nakapag-full stop si Luis. Sabi ni Mama, okay go, bumaba na raw ako.

Yes, I heard it right. Bibilha niya ako ng tinapaaaaay :>

Imagine? Kahit ang sama-sama ko na kasi hindi ko sila sinusunod, kasi sumusuway ako sa kanila, at binetray ko ang trust nila sa akin, binilhan pa rin ako ng Nanay ko ng tinapay!

"Ang swerte ko sa magulang ko!" I cried.

Truly. Nakuha ko ang spiritual meaning ng nangyari na yun. Just like in that verse na may Ask, Search and Knock and it will be given for you. Kahit gaano kasakit at palaging nasasaktan ang mga magulang natin sa atin dahil sa mga ginagawa natin, pag tayo humingi na sa kanila ng something, hinding-hindi nila tayo tinatanggihan/matatanggihan. Ganun nila tayo kamahal na nilulunok nila ang pride nila for us....

Just like our Heavenly Father and Mother: They came back into this Earth to seeka dn save what was lost.

Kahit napakasamang sinner natin sa heaven, nagsakripisyo Sila Mother at Father para lang matulungan ang lost children niya. At hindi lang yun, ginagrant niya ang mga blessings na kailangan natin, everytime! We just have to keep the faith and always give thanks.