Wednesday, February 9, 2011

Paulit-ulit? Unli unli?

Siguro nasa nature lang ng tao na kahit narinig na niya ang isang bagay, hindi pa rin niya gagawin basta hindi siya sigurado. Kumbaga, nagbibingi-bingihan siya sa mga bagay-bagay, kasi pakiramdam niya walang kuwenta. Di kaya'y di niya magagawa.

Today. 11:30-1pm lang class ko, Komm 3. Pero nasa school ako ng almost 13 hours. Could you believe it? One class lang dude pero half day akong nasa school. Nagrereklamo pa nga ako kanina kasi ayoko magcommute, may tigdas-hangin kasi si Ara, e aalis sila nang maaga. So sumabay na ako. Ayoko rin kasing pumunta sa school nang maaga dahil maliban sa di ko madala laptop ko, napapagastos ako sa lalamunin ko. Pamerye-meryenda, pero, naka-isang daan na rin pala.

Pero, iba-ibang tao ang nakasalamuha ko ngayon.

Una, si Cheska, around 1pm, casual lang na usapan, tapos napatanong ako, paano mo ginagawa ang works mo? Inuupuan daw niya nang isang gabi. Kung kaya niyang tapusin, tinatapos na niya. Tinanong ko kung paano. Sabi niya, kinokondisyon niya ang katawan niya. Gusto niya kasing di mafeel ang frustration sa paghiga niya. Gusto rin niyang makapanuod pa ng movies pagkatapos ng mga gagawin niya. Gusto rin niyang matapos na agad, simple lang, dahil ayaw niyang mag0cram, baka raw mahimatay siya pag days before niya ginawa. Basta, gabi pa lang na yun, kinokondisyon na niya ang isipan na tatapusin niya. Thru dedication, natatapos niya.

(Namatay pala ang itay ni ate jamie. segway. siya rin yung namatayan dati ng ina, mga halos isang buwan lang nakakaraan.)

Ikalawa, si Ruel Aguila, ang adviser ng UP UGAT, nag-lecture siya kasi. Sinabi niya kung gaano ka-blessed ang generation namin sa pagsusulat dahil noon walang libro, kung meron bihira lang, walang computer, walang MP courses, walang workshops, walang UP Ugat. In short, walang opportunities na makapagsulat.

Sinabi rin niyang kung gusto talaga naming makapagsulat. Baguhin namin ang attitude namin. Kung tatanungin daw ako kung bakit ako nagsusulat, ang sasabihin ko kasi ayaw akong madelay ng Papa ko. Gusto na raw kasi niyang magpahinga. A sige, sige lang talaga. Binasag lang naman niya kami.

Ang sabi kasi niya, kung gusto talaga naming makapag-trabaho nang mabilis, walang ibang madali at mabilis na paraan, kundi magpakahusay sa larangan mo. Yun lang. Kung writer ka, aba, pag-igihan mo ang pagsusulat. Paano? I-mind set mo na kaya ka nagsusulat dahil tanggap mong Lifetime Development Process ito. Tanggap mong magpapakahusay ka dahil gusto mong maging manunulat para makapagtrabaho nang maganda.

Sa totoo lang, yung statement niyang yan, applies to everything. Magsusulat ako ng ibang entry tungkol diyan sa ibang araw.

Ikatlo at ikaapat na tao, si Kuya Ronel, alumnus president ng UP UGAT, at si Tina, secretary. As usual, nagkuwentuhan, nagbackstaban, nagreklamuhan, ukol sa mga nagaganap sa UP, sa UGAT, at sa kung saan-san pang mga bagay. Pero ang pinakanakuha ko sa kanila ngayon? Yung pwede pala, posible pala, basta subukan mo lang. Si Tina, winner sa Orosman at Zafira contest, at Walong Filipina essay writing contest 1st place. Dahil dun nagkapera siya't nakabili ng sariling digicam. Si Kuya Ronel, nakapag-exhange stud na sa Korea. Oo, libre. At ipinangako raw niya yun sa sarili, na sa 18th niya dapat nakapag-abroad na siya nang libre. Natupad nga niya. Paano?Nag-apply siya, at kumuha ng basic korean course. Pagkatapos nun ay kaunting deliberation, poof! Lipad Korea na siya sa isang taon.

Si Kuya Ron, magna nang grumadweyt. Si Tina, magna standing ngayon. Tapos ang pakiramdam ko sa panahong kinukuwento nila iyon e, bakit? Paano nila nagagawa yun? Tapos nagsabi si Ronel, basta ako may goal ako. Ang goal ko inaabot ko. Dapat maabot ko. E ang goal ko dati to graduate with honors e. Ayan, may honors nga ako. Si Tina naman, gusto niyang kumita. Pero wala siyang trabaho. Ano ginagawa niya? Ginagamit niya ang skills niya. Nagsusulat siya. Sumasali sa contests. At ayun, nananalo siya! at hindi lang simpleng premyo ang mga napapanalunan niya ha. Sinabi rin ni Kuya Ron na baka blessings sa kanya dahil Christian servant siya. Tinamaan ako nung sinabi niya yun e haha. Si Tina rin pala, panay ang panonood ng mga dula, upang mainspire siya diumano at matuto. Nainspire naman ako, dahil napakasigasig niyang mag-aaral. Talagang ineexpose niya ang sarili niya sa mga dula para flow of experiences na lang ang isusulat niya pag magsusulat na siyang talaga.

Any, sila yung dalawang taong importante sa'kin, sa paraang, alam kong di ko mahuhubog ang sarili ko, kung hindi sa tulong nila. Lagi silang nagbibigay ng oras at tulong sa akin tuwing kailangan ko, at hindi lang yun, napakahusay pa nilang manunulat, leader, at kaibigan. sila na talaga.

Ikalima, si Marti. Nagkukuwento ako sa kanya tungkol sa postponed, once again, na meeting ng FEU Fern. A sige lang talaga, sabi ko nga, nafifeel kong worthless ako e. Pero iniisip ko na lang yung sinabi ni Alain na kung ginawa mo na ang best mo, yun na yun, kung di nila maibigay yung kanila, wala ka nang kasalanan dun. Sabi naman ni Marti, i-push mo pa sila para di ka mapressure.

Tama nga naman siya. Kung ayaw kong mapressure, bat hindi ko na lang ibigay sa iba ang pressure? In that way, lahat kami naiistorbo, lahat kami napapaisip, lahat kami kumikilos.

Lastly, si Mitch Albom, Have a Little Faith author. Book to ni Marti e, binabasa ko pa rin siya ngayon, pinagtatyagaan ko kasi di ko pa rin matapos almost a month na. Pero go lang. Binabasa ko pa nga yun sa rest room e. Tapos, nastruck lang ako sa isang kuwento dun. Tungkol sa isang magsasakang naghahanap ng trabaho sa sakahan. Ibinigay niya ang letter of recommendation niya sa owner na ang nakasulat lang ay I sleep in a storm. Dahil desperado ang owner, tinanggap niya. Makalipas ang ilang linggo. Dumating ang malakas na malakas na bagyo. Nataranta ang owner. Lumabas sa silid niya't hinanap ang kaha-hire pa lang na magsasaka. Pero natutulog ito. So, pumunta siya sa barn niya, nagmamadali siya e,nag-aalala siya sa mga alagang hayop niya. Pero nang makita niya ito sa loob, aba, secured silang lahat, at maraming nakaimbak na pagkain para sa kanila. Lumabas siya sa field, nakita niya ang mga palay niya'y nakabalot na ng tarpolin. Pumunta siya sa silo, kinakabahan pa rin, siyempre, nandun ang lahat ng pinaghirapan niya e. Pagdating niya dun ay nakasarado ang pinto, at lahat ng mga bigas ay tuyo. At doon, naintindihan niya ang I sleep in a storm. As a conclusion sa sermon ng pastor na iyon, sinabi niyang.

"If we tend to the things that are important in life, if we are right with those we love, and behave in line with our faith, our lives will not be cursed with the aching throb of unfulfilled business. Our words will always be sincere, our embraces will be tight. We will never wallow in the agony of ‘I could have, I should have’. We can sleep in a storm. And when its time, our goodbyes will be complete."

Di ba? Halos paulit-ulit pinahatid sa'kin ni God ang mensahe niya today. Kung ano man yun, teka susubukan kong isuma.

Gawin mo na ang mga dapat mong gawin. Live your life, learn from it. Love.


Ang kulit niya no? Ang kulit-kulit, pero kahit anong kulit niya kasi ayaw ko siyang pakinggan kasi feeling ko cliche na. Feeling ko wala namang relevance sa'kin yun. Pero, ngayon ko na feel na kailangan ko pala talagang mag-aral mabuti, magpakatuto mabuti sa mga klase ko. Dahil paglabas ko ng unibersidad, hindi uno grades ang hinahanap, kundi ang kagalingan sa kasanayan at karanasan. Kaya habang may panahon pa, bakit hindi ko iexpose ang sarili ko sa iba't-ibang bagay, at matuto ng maraming bagay? Magpakahusay. Yun lang daan para hindi ako madelay, at para makapagpahinga na ang Papa ko. At para mapangiti ko si God. Parang ngayon, todo-smile nga siya o.

=)




No comments: