Tuesday, February 1, 2011

Sabi ko nga kay Earl, I'm super fine

Ikaw ang pinakamakulit sa lahat ng makukulit na tao sa buhay ko!

Kung kailan nararamdaman kong nag-iisa na lang ako, kung kailan walang-wala na ako, kung kailan kaunti na lang bibitiw na ako, saka ka ulit paparamdam sa buhay ko.

Sabi ko lang nung isang gabi,
"Feb 1 na. Wala na naman akong nagawang matino. Change for the better? Luls. Yung duedate ko para sa sarili ko, di ko na naman natupad. Ni di na rin ako nakakapag-update ng reading materials ko. Wala na rin akong regular writing sessions. Mga incomplete ko, same pa rin. YFC FEU wala pa ring pag-usad. Lagi na lang bang ganito?"
Pagkatapos, tumingin ako sa salamin at nasabi kong,
"Ano na? Ano nang plano mo? Aantayin mo bang wala ka nang mukhang maipamukha sa lahat, ha?"
Pero nakakapagod naman talaga kasi. Lalo kung hindi ko alam kung anong magiging direksiyon ng buhay ko. Nakakapagod isipin na wala akong patutunguhan.

BUT THEN, IN ONE DAY YOU, YOU, CHANGED EVERYTHING!!!!

Nung tinext nga ako ni Earl kung kumusta na raw ako. I'm very pleased to answer him,
"I'm super fine."
kasi totoo naman e.

(PS: As much as I want na gawing creative 'to, nagmamadali na ako, pupunta pa akong UP maya-maya.)

Firstly, nakita ni M ang isang blog entry ko dati. Blabla don't wanna talk about it. (Shit lang, hindi ko pa siya kayang balikan ang blog post ngayon. Pinapabura nga pala niya 'yun. O well. Shithead.) Kinabahan ako kasi di ko nga maalala na nagpost ako ng ganun. Tapos nug nakita ko pa ang reaksiyon niya, I feel like,
"Sige ako na. ako na pinakamaduming babae sa mundo. "
At yes, na-disorient ang umaga ko. Naramdaman ko ulit lahat-lahat ng naramdaman ko dati. Naramdaman ko 'yung fxking feeling na ako ang may kasalanan, na kahihiyan yun, na nakakakonsiyensya. Pero yung pinakamasakit, naisip kong baka iwanan na niya ako dahil dun.

Alam mo yung sinasabi nila na gusto mo na lang mag-vanish sa thin air, o di kaya malaglag sa isang malaking butas para di ka na niya kausapin ulit? Para di ka na niya makita ulit kasi kadiri na e.

Ganun lang naman feeling ko. Thanks.

I never knew this would hurt paaa :((((

Oa lang e, but seriously.

Pero before kami maghiwalay, inassure niya ako na di niya ako kayang iwanan. Nagbigay pa ako ng possibilities, ang sabi niya, ayaw daw niya akong iwanan.

Alam mo 'yung tang-ina lang? Matapos niya malaman ang nakaraan ko, yun ang sasabihin niya? Para kaming naglookohan kami e!

ASDFFGHJKKKKKKKLLLLove raw niya ako, despite of what happened in the past.

Saan ka makakahanap ng ganitong lalaki ha? Saan? Kahit kailan hindi ko siya ipagbibili sa kahit sino, sa kahit anong pagkakataon.

Naalala ko parati Kitang tinatanong,
"Siya na ba?"
pero parang wala akong nakuhang sagot. Tapos ngayon, Feb 1, binigyan Mo ako ng napakalaking ideya kung ano siya at kung magiging ano siya sa buhay ko. Salamat nang sobra =)

Moving on, second part ng Blessings Mo sa'kin sa Feb 1.

Naramdaman ko na naman ang feeling of rejection. Yung feeling na isa pa lamang ang sinasabi ko e, babagsak na ako sa kinauupuan ko. Yung feeling na tang-ina, paulit-ulit na lang akong narereject, pwedeng minsan matanggap naman ako?

This is the time when I consulted my theater professor. Sasabihin lang naman niya kung, Passed o Drop ang isang estudyante niya depende sa topic nito.

At papasok lang naman kami sa red, bloody room niya. Sinong hindi manginginig?

Tinawag niya ako. Alalang-alala ko pa, nakatayo lang ako sa tapat niya. Nasabihan pa niya akong maaari raw akong umupo. Oo, nanigas na ako nung nakita kong hawak-hawak niya ang papel ko e, tuloy nakalimutan ko nang gamitin ang common sense ko. Wala pa namang red marks nun sa papel ko, kumbaga malinis pa, kaya nakahinga pa ako nang maluwang.

Tinanong niya ako kung anong ibig sabihin ng premise ko. Sinagot ko siya na ibig sabihin nun ay hindi lahat ng bahay ay ligtas. Kung gayon ay wag na raw akong maging ambiguous. Direkta ko na raw sabihin kung anong gusto kong sabihin.

Tinanong din niya ako kung ano raw connection o at risk ng social worker sa kuwento. Sabi ko, wala po. At panghuli, tinanong niya ako kung nakapag-interview daw ba ako ng isang tunay na sexually-abused na tao. Sabi ko, assistant lang e. Sabi niya, hindi lang daw isahang pagresearch ang ginagawa kapag magsusulat. Dapat ay gamay ko ang subject matter bago ko isulat.

Paglabas ko ng silid, e'di okay, kabado ako. Saan ba ako hahanap ng sexually abused na tao? Napakamaselang kaso nun, mukhang imposible na talaga.

Pero, ipinagpapasalamat ko pa rin na hindi niya ako sinabihang mag-drop na raw ako. Praise God! Meaning I still get the chance to revise my works! Praise GOD walang chance para madelay! It's up to me na lang kung hahayaan kong mangyari yun. :)

Okay, moving on. Yung final boomer ng Feb 3 ko. Nakapunta na rin kami ni Dave, finally, after three months, sa FEU Fern. Nung una, di naman talaga namin alam kung saan pupunta, at kung anong sasabihin. Basta palagay lang namin, dinala na kami ni God doon.

Nung nasa may fishbol kart na kami, pinasilip niya ako sa gilid baka raw may familiar faces. Sabi ko, wala e. Sa may pathway, nakatingin pa rin ako, umaasa na may makita nga akong mga dating alaga. Pero wala talaga e.

Until. Until nakita ko si Sir Fiorelle (sigurado akong siya yun, halata sa bag niyang parang shell ng pagong) tapos sigaw lang ako kay Dave e. Sabi ko,
Si Sir Fiorelle! Si Sir Fiorelle! Tara! Baba tayo!
Ayaw pa nga ni Dave e. Ano raw ba sasabihin namin. Naghi-hesitate pa siya nun, kung sa bagay, ano nga ba dapat naming sabihin?

Nung papalapit na ako sa kanya, pakiramdam ko gusto ko na ulit habulin ang sasakyan, at umuwi na lang.

Pero inapproach niya kami sa paraang parang walang nangyari. Nakipag-shake hands pa siya, at nakita ko ang ekspresiyon sa mukha niya na,
Wow, long time no see ha! (with excitement sa tono)
Alam ko na magiging magaan agad ang usapan. Sinabi namin na magpapameeting kami ulit, at hihingi kami ng waivers. Sabi niya, yung mga nangyari dati, kalimutan na yun, tapos naman na. Pumunta na raw kami sa Secretary para humingi ng kopya ng waiver.

After nun, tawa lang kami nang tawa ni Dave. Feeling ko nga ang message Mo sa'kin nun,
"Takot ka kasi e. Hihingi ka lang ng sorry, at magpapakita sa mga tao. Wala ka bang tiwala sa Akin?"
Oo na. Ako na ang sinampal mo God. Ako na ang mukhang tangang natakot sa maraming non-sense na bagay.

On the way sa secretary, nakita ko sina Jumpei, Martin, Shik, Ella, Pasha, Ellysa, Nicole, Pat Gar, Jezza, Ysabel, Ken, at marami pang iba. Nung nakita nila kami, yung mga facial expression nila, yung feeling na sobra nila kaming namiss! At yung feeling na iniisip nila na finally magkaka-YFC na ulit. Si Pat Gar pa nga ang bati sa'min,
Hala, marami na pong umuwi sa kanila e.
Akala niya magpapameeting kami. Such a cute girl!

Then we proceed na kay Secretary. Delaying tactics mo, God! Nag-wash room siya pagdating namin e, so we had to wait.

Pagpasok namin sa room niya, nagtutulakan pa kami ni Dave e. Hindi kasi namin alam ang sasabihin. Huhuuu, pero God really provides. Sabi niya, gumawa raw kami ng letter nang makakuha kami ulit ng waivers. E'di okay. Kinabahan ako. Paper works na naman.

Lumabas na kami ni Dave, tapos naisip naming batiin si Directress. Sabi ko, sandali lang antayin na lang naming makalabas yung mga faculty na nasa loob para hindi magsabay. Pagpasok namin, sinabi lang namin na kakausapin namin sandali si Directress. At pumayag naman!!!!

Walang galit sa mukha niya. Light lang, very accommodating, as we have always seen her.

Nag-apologize si Dave about the Youth camp. Sabi ni Directress, matagal na raw yun a, at alam naman daw namin na mahigpit sa outsiders at dapat bilang na bilang. Sabi ni Dave, room for improvements naman po e. Tumango naman si Directress. Bla bla. Tapos tinanong niya kami, kung may next YFC activity ba kami, sabi namin, ireresume lang po namin ang YFC meetings, at hihingi lang kami ng waiver, sabi niya, humingi na raw kami. Then, that's it! Ta-daaa! May waiver na kami, distribution na lang, on the go na ulit :)

See? God ha? ANG KULIT-KULIT MO E! Hindi ko inakalang in one day, makakayanan mong gawin lahat ng miracles na yan! Lahat ng blessings na yan. I'm so overwhelemed. I'm so happpppppppy. Super.

This time, I pledge to love more, and do my best for Your greater glory. This is our fight, lalaban ako hangga't kaya ko, hangga't pangalan ko pa ang nakalagay sa mga letters ng YFC Fern.

Thank you Lord. Binigyan mo 'ko ng renewed faith and hope sa new month!

ALL FOR YOU <3

No comments: