Monday, September 14, 2009

With Tamaraws.

Kagabi, sa isang daingan, hindi ko alam ang tawag sa restawran, kumain ako kasama si MarkDave, Milver, Jumpei, at King. Sila ang mga kaibigan ko sa YFC FEU Fern. Hindi lang naman sila ang mga kaibigan ko, pero natutuwa lang ako na nakasama ko sila kagabi. I consider that as bonding moment.
Segway, may naisip na naman ako, :| Palagi ko na lang ito naiisip. Paano kung isang araw, ang pagsulat ko sa blogspot na ito ay matutunan kong isulat sa multiply. Ang site ng multiply ay isang pampublikong networking, kung saan makikita ng lahat ang mga ipopost mong larawan at mababasa ng lahat ang announcement, notes at blogs mo. In short, kabaliktaran talaga ng blogspot na very public.
Minsan ko na din kasing napangarap na mabasa ng ibang tao ang nararamdaman ko, pero mahirap, hindi talaga ito madali. Lalo pa't sa tulad kong hindi ko alam ang pinag-ugatan ng aking pagkamahiyain sa pag-open up sa ibang tao. Naiimagine ko kasi ang senaryong, tuwang-tuwa ako sa dami ng nagprapraise at tumatangkilik sa blog ko. Yung tipong naiinspire pa sila at nagagalak sa bawat salitang nailimbag doon. Pero, bilang isang tipikal na Pilipino, ang laki ng doubt ko sa sarili ko. Takot na rin siguro. Takot mapintasan. Takot sa mga reaksyon na tila nakakapatay ng kaluluwa sakaling alipustahin ang gawa ko. Ah! Ewan ko ba! Nahihiya ako.
Balik tayo sa FEU Fern, masaya ako at unti-unti ko na silang nakikilala. At hindi na ako ganoong nahihiya kapag kasama ko sila. Hay. Masaya kahit nakakapagod. May kung anong saya ang pumupuluport sa mukha ko, sa tuwing makakasama ko sila. O kahit text lang. :)
Magkukwento ako sa mga susunod pa....