Wednesday, June 1, 2011

Sick

I really hate it when I'm sick coz I feel so weak.
But I will not give up.

Interview today and feast of God (Ascension day)! aja! :D

Wednesday, May 4, 2011

for May 3

Early morning kahapon nagpunta akong UP para kunin ang certification as a student pero hindi pa pala nari-release, so dumiretso na lang ako sa NBI to get my clearance. I was quite expecting na matatapos ang buong process in an hour or less, but I was wrong. So wrong. From 10 am until 2pm, inaantay kong matawag ang apelyidong David nang makaalis na, at makakain ng lunch. Iniisip ko nung time yung driver, baka nalipasan na ng gutom. But Thanks to Heavenly Father and Mother, nalaman kong umuwi pala sia para ihatid ang Lola ko, so he was able to have his lunch. Tapos, double Thanks to Heavenly Father and Mother kasi kailangang umuwi ng kotse, so sumabay na ako at dun na ako kumain ng lunch. So wala akong gastos for the day. Yay!

30 minutes before ng time na dapat umalis kaming lahat, kino-convince ko pa rin si Abby na, o please come on, sumama na siya sa Church. Pero ayaw niya... So iba ang ginawa kong alibi. Sabi ko, tara UP. Check natin process of application sa Clothing Tech. Grabe. 5 minutes before kami umalis, dun lang siya tumayo sa computer. O diba, ultimate crammer for life. So yun, edi nauna na lang sila Lola kasi super tagal niya. While we're on our way sa UP, kino-convince ko pa rin siya, pacute na nga ako nang sobra e. Parang hindi na ako yun. Di talaga bumababa ang pride ko ng ganun kababa. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, "Basta ayaw ni niya, once, e di ayaw. Off-limits na ako." But yesterday was totally different.

Anyhow, pagdating namin dun, edi natutuwa ako kasi nakakaimagine na ako ng future namin ni Abby sa UP. At least pag pumasa siya dun, may chance na pagtuluyin siya sa pag-aaral. At pati ako. Haha. Ok. Pero joke lang pala lahat yun. Kasi naman, deadline ng pasahan ng application, April 30. 3 days late lang kami, pero wala na e ayaw na tanggapin. So false hopes. Bv na ako. Pero naisip ko rin ang feelings ng kapatid ko nun. E di mas lalo siyang bv. Pinaghahandaan niya ang UP talent test nito e, pinagpupuyatan niya, and all. Kaya ayun, mas lalo ko siyang finorce mag-church..dasal ako ng dasal kay Father at Mother na sana i-grant nila prayers ko this time,kasi inasikaso ko naman ang BIR ko e. Para naman sa Kanila yun.

However, hindi pumayag si Abby sumama sa church. Tinatarayan na nga ako e. Minumura? Yata, i forgot. So habang papunta kami sa church, naiinis slash naiirita slash nabi-bv slash everything nega in the world nararamdaman ko! Napasabi pa nga ako, "Kaw na bahala, Mother. Kapagod. Kung hihilahin mo ako pabalik sa'Yo, go do it. Bahala na, basta pupunta lang ako, pero di ko alam ba't ako pupunta."

So nasa church na ako. Pagpasok ko pa lang, masasayang "God bless you po" na naririnig ko e. Sa greetings pa lang, ina-uplift na ang soul ko... Then I prayed. Tapos kinukumusta na ako ng mga sisters. Then dumating si Sis Val. Kinumusta ako. Sabi ko kasama ko si Abby sa baba kanina, pero di siya sumama. Tinanong naman niya si Apol. Sabi ko tatry raw po niya. So there, nakita ko yung frustration sa mukha niya e, pero siguro split second lang. Tas after nun, inadvisan na ako. Parang sinabi niya na I have to stand firm. May mga ganito talagang nangyayari. Pero in God's perfect time. Chaka, kaya baka di pa sila pinababalik nina Heavenly Father and Mother, kasi baka may kailangan pa ako/kaming baguhin sa sarili namin. (Affected ako nung sinabihan ako nito, alam ko kasing napaka-stubborn ko at napakalupit na sinner, pero over over pa rin akong bine-bless nina Father and Mother.) Tapos nasabi rin ni Sis Val na na-wrong send ako sa kanya ng text kahapon na, "On my way darlin. I love you." Omg, ito talaga pinakanakakahiya e. Sa kanya ko nasend yung text ko, nako! Di ko alam paano mag-explain sa kanya e. So nasabi ko na, ayun, iniinvite ko pa rin si M sa church, pero ayun, tapos mapapailing na lang ako. Tapos sabi niya, "In God's time. May plano sila Father sa'yo, sa atin, kaya nangyayari tong mga delay na 'to. Maybe, kaya di pa Nila pinapapunta rito si M, e para makapag-focus ka. Para hindi ka ma-distract. Kasi may mga ganung cases dito sa church e. So habang di mo siya naiinvite over, study study study the bible diligently."

Then I was like.... 0_0 uhm yea, I thought of that before pa haha. Joke. Hindi ko pa na-foresee yung ganun. Hoo. Ayoko ma-distract, okay lang sa'kin ma-inspire, pero yun, soo soo out of the box! Ok anyway. So yinaya na ako ni Sis tumulong sa paglilinis ng Zion. Kasi that night magkakaroon ng evening service. So afternoon ng mga 5pm siguro, naglilinis at nag-aayos ang mga Church of God members, and they call it "Blessings." kasi anything na gawin o icontribute o itulong namin for the betterment of Zion, nakikita nina Father at Mother, at may katumbas yung blessings.

Nag-start na ako mag-ayos at mag-line up ng chairs, magpunas ng chairs, at maglinis ng bintana. Habang naglilinis ako ng binatana, nararamdaman ko talaga kung gaano ka-holy yung place, at kung paanong ang mere na paglilinis ng bintana, ay nakakapagpa-humble ng isang maereng taong tulad ko. Pinaparamdam sa akin na, I'm truly serving. And it's the joy of Father and Mother, yung kami yung magsiserve, hindi yung ibang tao. Yung pag meron kaming humble mind. Etc..

Nung natapos na sa paglilinis, pinanood ako ni Sis ng video, ang title ay "God's gift." Okay so itong vid na ang way ni Mother para hilahin ang kamay ko na unti-unti nang bumibitiw sa Kanya..

Ang vid ay tungkol sa mga regalo ng Diyos. In actuality, everything, take note of the word everything, in the world is God's gift. Hindi lang naappreciate yun ng mga tao, tulad ko, dahil ang tigas lang nila, ko, hindi namin naaappreciate na lahat-lahat ng bagay sa mundo ay God's gift.

For example, may dumarating na problem, most of the times people will think, "Problema na naman? Bakit lagi na lang akong pinagdaraanan ng ganito? Puro na lang ba kamalasan?" But they don't know na ang dumadating na hardship at trials sa kanila ay gift kay God.

Kunyari ako. Malaki ang hinarap kong persecution sa Aklan. Relatives ko pa ang nagpapahirap sa akin a... Pero I was advised by Deacon na if I overcome this persecution, magli-leap ang faith ko, at kahit anong mababang level ng persecution ay magiging kagat na lang ng langgam. So I tried to overcome. At na-feel ko talagang naging mas strong ang faith ko. Although, nagwe-waver pa rin, pero this time, mas matapang na yung puso ko. Ready to combat na kumbaga.

So there, as I kept on watching the vid, tamang-tama ako e, sapul na sapul sa kalagayan ko. Ang pagiging total sinner - ang pagiging reklamadora, ang mag-grumble everytime na may pagsubok na dumarating.

Pero, sinabi ni Chief Pastor sa vid na walang sinuman sa mundo ang hindi dumadanas ng trials and hardships. Lahat may ganon. Sa Zion yata yun, hindi raw halata na may dinadalang malaking problema ang mga Elohist kasi todo-smile sila.

Pero bakit pa nagbibigay ng trials and hardships si God? To strengthen us, to help us, to bless us more, to help us in everything. Because God only wants the best for us, nothing else. Kaya yang mga trials na yan, magpasalamat daw kami dahil blessings yun. Dapat daw hindi nagrereklamo pag dumadating ang problem. Bakit? Kasi nagagalit si God sa mga laging nagga-grumble. Lalo Niyang hindi tinutupad ang concerns ng reklamador na yun. So instead na magreklamo, pray to God, with thanksgiving. Always with sincere gratitude in the heart. Kasi sobra-sobra sobrang tuwa ni God kapag nagpapasalamat ang mga anak niya sa lahat ng bagay o tao o pangyayari.

Kasi lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao, o lahat ng mga striktang magulang, at masusungit na kapatid sa pamilya, lahat ng mga ito/sila ay God's gift. Nabanggit yata ang dahilan sa james 1:2-3. Pero nakalimutan ko na.

So yun, ang pinakatumatak sa akin e, bakit hindi ko nagagawang magpasalamat kay Elohim God, e afterall, free ang water, free ang oxygen, free ang sunlight, thus, free ang living! Diba, who could created water? oxygen and hydrogen? sun? No one but God! Kahit na we deserve an Earth na supposedly impiyerno-like, dahil nga we almost killed God in heaven long long time ago, sobrang minahal at patuloy tayong minamahal ni God. Why? May free water, oxygen, sun tayo! Meaning hindi tayo gustong patayin ni God. Gusto Niya tayong buhayin. Yun nga lang ang mali natin, nabulag tayo sa sobrang dami-daming blessings ni God.

Sabi pa dun sa vid, lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay blessings. All we have to do is thank God everytime, kasi napiplease Siya sa sa pagpapasalamat sa Kanya.

Then after ko mapanood yung video, super thank you ako sa mind ko, every moment. Nung nakainom ako, nung nakapagmakeup ako, nung nakatabi ko si Sis Mira at Sis Maricel. Super thank you ako ng thank you sa mga random na bagay. At ayun nga wish ko, na ma-resemble ko ang mind ni Father at Mother. Yung mind na hindi nagrereklamo, but serve lang nang serve at thank you lang nang thank you.

Sobrang galing talaga nina Father and Mother. Hinihila pa rin Nila ako pabalik sa kanlungan Nila - sa Zion, where I can truly find peace for my soul.

Okay so moving on, laktawan ko na ang service. Basta kalagitnaan nun or oftentimes pa, napapaisip ako kung paano ako magko-commute pauwi. Kasu nagtext na ang Nanay ko na hindi na raw siya makakadaan ng church at wag na raw pabalikin ang driver dahil sayang ang gas. So sabi ko na lang, sige po I'll go commute na lang po.

So dude, 9pm na after ng service, tapos magcocommute ako, at naka-heels ako, at make-up, at semi-forma attire? Hindi ko yata kakayanin. So nag-iisip na ako ng gagawin kasi 90 lang dala ko, so pag nag-cab ako, surely, maso-short ako kasi mababawan yung 90 e, magiging 40 na lang, kasi may babayaran pa ako. So, jeep lang talaga ang choice. Kinakabahan talaga ako. Kasi naman, commute, 9pm? Wow lang. Sarap ng buhay. Parang hindi delikado gumaa ng gabi e.

So natapos na ang service. Nag-iisip pa ako kung magpapractice ako sa mga sister, kaso hindi na ako makapag-isip kasi naman nagpapanic utak ko, 9pm at commute, 9pm at commute.

But, but but. Narinig agad ni Father at Mother ang hinaing ko. Imagine? Dinaanan ako nila Mama! Wowowow! Dinaanan nila ako pauwi, kahit sa inaalipusta nilang church ako nanggaling. Sobrang na-touch ako kagabi kay Mama kahit galit ang tono niya about the time ng service. Pero bahala na, I just have to stand firm sa faith ko....

Napansin ko rin na ang tahimik sa loob ng pick-up, tapos narealize ko, nag-away na naman sila. Breaks my heart.

So there, ano magagawa ko? Hahay. Just have to pray for them. So anyway, kahit ang epal-epal ko (for them) sa pamilya ko, at kahit sinuway ko ang utos nila, at hindi ko nirespeto ang kanilang pagiging mga magulang ko....

Pagdating namin ng DPS, sumigaw ako (unconsciously) "Ma, tinapay!" Which after a few sec, I realized na, Tae, ang kapal ko, nanghingi pa ako ng tinapay, after all ng ginawa ko sa kanila!

So there, nasa may Red Ribbon na kami nung nakapag-full stop si Luis. Sabi ni Mama, okay go, bumaba na raw ako.

Yes, I heard it right. Bibilha niya ako ng tinapaaaaay :>

Imagine? Kahit ang sama-sama ko na kasi hindi ko sila sinusunod, kasi sumusuway ako sa kanila, at binetray ko ang trust nila sa akin, binilhan pa rin ako ng Nanay ko ng tinapay!

"Ang swerte ko sa magulang ko!" I cried.

Truly. Nakuha ko ang spiritual meaning ng nangyari na yun. Just like in that verse na may Ask, Search and Knock and it will be given for you. Kahit gaano kasakit at palaging nasasaktan ang mga magulang natin sa atin dahil sa mga ginagawa natin, pag tayo humingi na sa kanila ng something, hinding-hindi nila tayo tinatanggihan/matatanggihan. Ganun nila tayo kamahal na nilulunok nila ang pride nila for us....

Just like our Heavenly Father and Mother: They came back into this Earth to seeka dn save what was lost.

Kahit napakasamang sinner natin sa heaven, nagsakripisyo Sila Mother at Father para lang matulungan ang lost children niya. At hindi lang yun, ginagrant niya ang mga blessings na kailangan natin, everytime! We just have to keep the faith and always give thanks.

Sunday, April 24, 2011

Para noong Abril 12

Papauwi na ako mula sa Aklan.

Sa Kalibo airport, ang lungkot ko, dun ko lang narealize na ang sakit pala mag-goodbye. Hindi ako ganung nagtagal sa Aklan pero yung feeling na mag-isa lang akong magtatravel, at iiwanan ko ang mga kapamilya kong malalapit sa Aklan, makes me feel awful.

Nung nakasakay na ako, ang iniisip ko lang si Oso. Nagwiwish pa nga ako nun na sana magkita kami that day kasi super duper miss ko na siya.

Pero ang daming hindrance. Maglalunch pa pala kami sa Robinson's tas ihahatid pa yung Tita ko sa airport. Tas around 3pm magmimeet kami nila Fato, Apol, at Dindin. So Im not sure kung may chance pa kami magmeet.

Pero ewan ko ba. Ang galing nila Father at Mother. Alam nila ang laman ng puso ko. Ayun, pumayag si Marti (kahit busy siya mag-empake at sa iba pang gawain) na puntahan ko siya sa bahay niya. Ang saya ko talaga nun. Di ko maimagine kung ano mafifeel ko kapa nireject niya yung pagpunta ko dun sa kanila. I will be wretched. Haha.

So andun na ako sa kanila. I hugged him tightly. Super tight ayaw ko siya bitawan, super namiss ko siya! Di ko akalain na ganun ang feeling ng isang nagbabalik at ng muling pagkikita. Sa tv kasi parang ang oa nila, yung teary eyed pa tapos napapatulala and stuffs. Pero totoo pala na ang sarap pakiramdam pag nagkita na kayo nung taong importante sayo, matapos ang isang mahabang (oo, para sa akin mahaba e) na hindi ninyo naramdaman ang pisika na presensiya ng bawat isa.

Tapos sabi niya sakin, nag-antay daw siya ng 11 days para sa araw na ito. Ibig sabihin, inaantay niya talaga ako slash namimiss niya ako. Haha. Ang sarap sa pakiramdam na uuwi ka nang may uuwian.

Anyway, ayun pagkahiga ko sa kama. Nag-attempt na siya halikan ako. Ayoko pa nga e. Di pa ako ready hahaha. Pero ramdam ko nun ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang lakas - feeling ko tumatama na puso ko sa dibdib niya.

The best feeling ever - idinampi niya ang malalabot niyang labi sa akin. Gusto kong umatras, pero cornered ako. Di ko alam ang gagawin ko. Lahat ng senses at nerve endings ko nun nagwawala....

Hanggang sa nagpalitan kami ng halikan ng pagmamahalan. Iba talaga ang halik ng isang Basorexic.

Wednesday, April 20, 2011

Sunday, March 27, 2011

Thursday, March 24, 2011

Please pray that I would be able to please my Lord God all the time. Also, please pray for peace of mind, strength, and wisdom to come upon me as I finish my second semester. Thank you.

Wednesday, March 23, 2011

Lunch

Gave him a pack of lunch today. I really missed him though we've seen each other last Monday. Sabi niya nasarapan daw siya at kinilig kasi first time raw na may magbigay sa kanya nun. E paano ba yan? First time ko ring gawin yun. Tapos natuwa raw siya sa mga hidden note ko. Yung oso talaga na yun o, turn-on sa'kin sobra yung na-aapprecite niya ako, at yung mga maliliit kong ginagawa for him. Makes me want to do moooooore.

Saturday, March 19, 2011

Sabbath day

Sumasakit kasi ulo ko kaya hindi na malinaw yung mga narinig ko:

Ang mga tao raw galing sa dust.
Para ma-please natin si God, dapat blameless tayo sa spirit, soul, and body natin.

Tapos sa bible study naman:

Sinabi ang secret to forgiving our sins at si Christ Ahnsanghong. The secret is to have Passover. Para ma-save ang soul mo :) at ang second coming Christ na nagpalaganap ng Passover ay si Christ Ahnsanghong. Copy and shadow ng Old testament ang New testament, so they're almost the same.

Goosebumps ako nung nalaman ko 'to e :))

Just read the bible now, naiinlove lalo pa kaong naku-curious! Sana mas marami pa akong time to study :D

For more info, visit these:
http://pathtoheaven-ahnsahnghong.blogspot.com/
http://en.wikipedia.org/wiki/World_Mission_Society_Church_of_God

Saturday, March 12, 2011

Bday party

12 hours akong nasa bahay niya.
Nainis kasi ako sa contact ko dun sa COG na di ako nireplyan. Di ko naman inexpect na dadalhin ako ni God sa bahay niya. Ayun, namiss ko siya. Namiss ko yung mga ginagawa namin. Grabe hardcore siya mang-harass. Nagbreak yata ang backbone ko sa kakakiliti niya. Grabe siya. HAHAHA. Pero ewan ko, kahit tinorture niya ako, nag-enjoy talaga ako kahapon. Hay nako hahaha. Hinug niya ako, kiniss, cinuddle, at kung ano-ano pa. Yung badtrip ko nung umaga, nawala e. Tapos nanood pa kami ng Serbian Film na di naman ako masyadong nandiri, dun lang sa thought haha.
Btw, dun pala kami nag-lunch kasama ng family niya. Cute nila e, may dindescribe pa silang mukhang paa raw HAHA.
Chaka naalala ko, nung gabi, 6pm yata yun, naligo si Earl. Tapos pinatugtog ni Marti yung kantang marry something, basta papakasalan ko yung anak ninyo, blabla, tapos sinayaw niya ako habang tumutugtog nun. asdfghjkl. e bakit ang sweet niya? sabi niya di siya sumasayaw haha. siyempre di naman sayaw na break dance, yung sway lang, pero gets. Anyway, tas yun sabi niya, I love you raw. :))
Tapos tinatawag niya akong Misis. :D at wag na raw ako magpaalam pag may hihiramin ako, bahay ko naman daw yun HAHAHAHAHAHAAAAAAAA
Wala, birthday niya, pero ang sweet sweet niya, minasahe pa ako omg lang talaga. Kahit kahapon na-bbv ako kasi sumasakit na ulo at tiyan ko, saka pagod na rin ako 2 hrs lang kasi tulog ko, di ko matiis na di siya kausapin at samahan at makipagtawanan sa kanya. Gustuhin ko man matulog, di ko kaya, ang TL niya e =)))))
oh well, nung party, na-meet ko ang barkada niya. Hardcore smokers pala, may mga umiinom din. I remember he said to me na magquiquit na siya uminom at magyosi para kay God, sa sarili niya, at sa akin. :D tapos napa-proud niya ako nang sobra sobra kagabi. Sana imaintain niya yun kahit wala na kami. Pero di ko naman sinabing mawawala kami or whatever HAHA
Tapos pinakain niya niya ako ng Mango Bravo, favorite niya pala yun, kaya niya tinatago hihihihi pero pinakain niya ako <3
Hoy ikaw, alam kong binabasa mo to ngayon. Salamat nang marami ha? Salamat! Galingan mo sa exams mo. Sobrang pinagooooooood mo'ko. :P

Thursday, March 10, 2011

Blessed

Matagal-tagal ko na ring pinagdadasal kung mag-sstay pa ako sa FEU Fern, tapos kanina parang sinagot na ni God. Pero ipagdadasal ko pa, at sana suportahan ako ni God.

May nag-preach sa'kin about kay Father and Mother God. Nahihilo-hilo pa nga ako nun kaya nagmamadali na akong umalis, pero napakapursigido nung preacher. Naiinis lang ako kasi pinipilit niya akong magpabless para maipass-over at maturuan ng teachings ni God. Sinabi niyang may asawa raw si Jesus Christ, ang name ay Jerusalem, pero dun na sa Heaven mangyayari yun. And for us to get into the kingdom of heaven: 1st have a pass-over. 2nd hear the teachings. 3rd obey. Marami pa akong tanong sa kanila, pero sabi nila para masagot daw yun e dapat makapag-pass over muna, dahil napakahalaga nun.

I don't know what to do kanina. Jus me. Di ko alam kung budol-budol gang pala yun or whatever. Tsaka ayaw ko kasi nung pilitaryo. Nakakainis kasi pag nang-iimpose. Pero ewan ko, hinatak ako ni God dun, dun sa church nila.

At nakita at nameet ko ang wow, napaka-approachable at welcoming na mga tao ever! Nagsasalita sila ng "God bless you po" like everytime? I find it weird pero parang nabibless ka talaga pag nasasabihan ka nun.

Then, they blessed me, pinagsuot ako ng robe and binuhusan ng tubig at pinagdasal. Kanina, gustong-gusto ko ng umiyak, pressured na pressured na ako sa acads e. Tapos sumama pa ako dun, tapos di ko pa sure kung tama yung ginagawa ko o mali pala at dapat na akong umalis. Marami akong iniisip kanina, pero nagdasal na lang din ako habang binebless ako ni pastor. Puro problema problema iniisip ko before nun, then boom, after nun, parang winash ni God lahat-lahat ng anxiety ko.

Still confused, pinagpass-over nila ako. Uminom ako ng wine at kumain ng masarap na small pieace of bread. Tinanggap ko ang body and blood ni Christ. Maniwala lang daw ako. Then pinagsulat nila ako sa Book of Life. At nagdasal sa chapel, at umalis.

Napakabuting tao ni Valerie, graduate last year from UP AIT. Siya nag-aassist sa akin, at siya rin ang nagturo sa akin magcommute papunta at pabalik ng UP. Nagtext pa siya na:

"We're lucky to have found you, Sis. See you this Sat. God bless you. Eat well."

Bakit sa kanila, first time ko silang makilala, pero trinato nila akong parang pamilya? parang sarili nilang kadugo? And I must say, isa 'to sa mga pinakamagandang experience ever.

Nalilito pa rin ako siyempre, malay ko ba kung san ako dinadala ni God.

Pero magiging bukas lang ako, kasi pintuan na 'to para sa eternal life. Susubukan kong ipasok ang sarili ko sa kanila, and at the same time, ipasok ang teachings ni God sa akin.

A whole new challenge to face. But I'm willing to try. So help me God.

Positivity

http://www.positivityblog.com/thebook/7Habits2.pdf

Sunday, March 6, 2011

Nag-share ako sa isang stranger

2:14am
love, prayers, being winners, how great our God looks at us. He looks at us in delight no matter who we are. things like that.
oopsie. wala na po akong maisip :(
ikaw ba may kuwento ka? :D
keri lang. :D
tungkol sa pagiging winner?
hmm.anything God wants you to tell. :)
ngayon? =))
pede. :)
sinabi niya kanina, ang daldal ko raw. lagi kasi ako yung nagsasalita pag nagdadasal sa kanya, tapos kanina sa buong prayertime ko, siya lang nagsalita, sabi niya lang, kung walang-wala na raw ako, attakot sa mga mangyayari at sa mga problema, kumapit daw ako sa kanya. kasi di raw niya ako pababayaan. tapos sa isang kanta ko pa yun narinig. :)) basta, mahilig kasi ako magprocrastinate yknow :)) tapos ang message niya sakin kanina nung nagmass ako, "Binigyan kita ng maraming grasya, ikaw na bahala mag-utilize." sabi ng pari kanina, "Ask for the grace. Receive it. And act upon it" tas yun, ginagawa ko ngayon sabay2 mga dapat gawin :)) pero with peace na matatapos ko lahat :D may not be perfect, pero i know matatapos ko kasi kasama ko Siya na ginagawa to :D
ayan
=))))))))))))))
uso magshare e
=)))))))))))
nice. thank you! i'm so blessed right now because of sharing. dami ko ding procrastinations eh. :)
:))
yyaaay! :D
thank you too!
fb friend mo ba si marti lacambra?
yung kanta na yun dun sa blog niya yung pinakinggan ko e :D
hirap kasi talaga labanan ng procrastination
last na
sabi pala dun sa mass kanina, kung gusto mo tlga may magbago, "Jesus, I will choose you and I will fight for you" ---yan daw sabihin mo pag may gusto kang mangyari :D
AMEN! :)
do they lack self-love pala? :)
uhm
watcha think? :)
posible, kaya nagkakaroon sila ng frustrations, at kaya di rin sila makareceive at makabigay ng love.... ?
wait lang. :)
woi, kamusta ka na pala jan? :)
ha?
jan sa kinacram mo, kamusta ka? :)
=))))
ito, storyline pa rin :D
pag nabuo ko to, gagawin ko nang tuloy2 mamayang umaga
HAHAY SARAP
=))
ikaw kumusta naman jan

Ito ang convo namin ni Markley, na hindi ko talaga kilala, at all. Nagkataon lang na nanghihingi siya ng advice tungkol sa mga audience niya. Tapos ayan, yan na ang pinag-usapan namin. God is so great. :)

Tuesday, March 1, 2011

Break sa pagsulat dito

Because I have tons of writing stuffs pendiiiiiing

at deadline lahat next week at next next week. How's that?

Any, kahapon kinausap ako ni Kuya Ronel. May tinext kasi ako sa kanya tungkol sa sinabi ni God kay Cain, "If you do well, you could raise your head up high." E nung day pala na yun, interview niya para sa pag-M.A. sa Korea. After niya mabasa nung text ko, clinaim niya agad kay God ang Korea e. And eventually, God gave it to him. Tapos, thank you siya ng thank you! AS IN :)

Alam mo yung ganung feeling na yung simple mong GM, may nagagawa sa ibang tao? Wow. Kahit isang tao lang yun, masayang-masaya na ako :)

Thursday, February 24, 2011

Brain Test

Your Brain Usage Profile:

Auditory : 15%
Visual : 84%
Left : 42%
Right : 57%


Ariane, you are somewhat right-hemisphere dominant and have a strong visual preference, a blend of characteristics which typically apply to persons with an "artistic" temperament.

In all likelihood, you naturally act in the way that people have come to expect artists to act. With your dominant visual learning style you are active and seeking, working to absorb all of the facets of your environment. Your mind rarely rests, for even when you are not scouring the environment you are turning your searchlight on your own internal processes.

You are intense! In continually processing the data as you do on a multidimensional level, you spend little of your time in reflection -- or sometimes in social niceties. There is a high probability that you are "out of check" -- though not out of control -- sometimes, swept away by the feelings of the moment. You are one of those individuals that may well attempt to assemble a complex piece of equipment without reading the directions or following a sequence, though you might look at the diagram. Sequencing your own behavior is problematic at times.

You are rarely reflective about yourself or your motivations. You know when things are right because you feel it, you intuit as automatically as you breathe. With others, you tend to "go with your guts," not needing rules or expectations to govern your friendships.

You absorb material rapidly and randomly, it is filed "helter skelter" internally. Listening or learning from materials presented in a purely verbal fashion is not your "strong suit" and your performance in situations designed for left-hemisphere dominant persons will not always measure up to the expectations of others. If you have particular learning needs, it is to sequence material and remain focused while you are processing, to develop "structuring" techniques, and to become more efficient with your spontaneity and creativity.

Take it too! It's so accurate O_O


MY SECOND TRIAL :D

Your Brain Usage Profile:

Auditory : 37%
Visual : 62%
Left : 41%
Right : 58%


Yane, you possess an interesting balance of hemispheric and sensory characteristics, with a slight right-brain dominance and a slight preference for visual processing.

Since neither of these is completely centered, you lack the indecision and second-guessing associated with other patterns. You have a distinct preference for creativity and intuition with seemingly sufficient verbal skills to be able to translate in any meaningful way to yourself and others.

You tend to see things in "wholes" without surrendering the ability to attend to details. You can give them sufficient notice to be able to utitlize and incorporate them as part of an overall pattern.

In the same way, while you are active and process information simultaneously, you demonstrate a capacity for sequencing as well as reflection which allows for some "inner dialogue."

All in all, you are likely to be quite content with yourself and your style although at times it will not necessarily be appreciated by others. You have sufficient confidence to not second-guess yourself, but rather to use your critical faculties in a way that enhances, rather than limits, your creativity.

You can learn in either mode although far more efficiently within the visual mode. It is likely that in listening to conversations or lecture materials you simultaneously translate into pictures which enhance and elaborate on the meaning.

It is most likely that you will gravitate towards those endeavors which are predominantly visual but include some logic or structuring. You may either work particularly hard at cultivating your auditory skills or risk "missing out" on being able to efficiently process what you learn. Your own intuitive skills will at times interfere with your capacity to listen to others, which is something else you may need to take into account.


I'm quite more convinced with the first result though :D Take the test here!

Wednesday, February 23, 2011

Lord,

Kakapagod mag-isip, mag-type, at mag-worry.
Try kong umidlip a, tas gusto ko paggising ko parang wala nang problema HAHA ilusyon e.. pero sige na, please? For today lang at tomorrow at sa friday.

THANK YOU FOR TODAY Mahal kita >:D<

Sana umayos na ang period key ko, nakakapikon hahaha
Sana rin mag-aral na nang mabuti si marti hahaha
Sana rin umayos na si abby joke hahaha
Sana makita ko kayo after all of these :D mwa

Saturday, February 19, 2011

Fan fic dream

Waaa. I became Sakura, at isang kriminal na character na laging nakaposas.
Yung unang dream, anak daw ako ni Pnoy, or isang respetadong politician. Tas inabduct nila Dad ko. Nakita ko na paalis sila. Kinuha ko platenumber. Hanggang sinabi ko sa Mom ko, tapos rineport namin sa police sa baba. Weird kasi, sumama Mom ko. So sabi ko sasama rin ako. Mas weird kasi tricycle lang sinakyan namin. Tapos humabol lang ako nun e, tas pumasok ako sa loob ng trik sa may baby seat. tapos, yung feeling na, ganun pala yun, hinahabol mo yung bad people, kasi andun yung dad mo. Grabe nerve-breaking e. Sobra. Feeling mo any moment pwede nilang saktan Dad mo. Waa. Tapos may kasama akong good boy police, pero nakapang-navy force uniform. Omg lang kasi naging partners kami sa paghahanap kay Dad. Tapos nung huminto na yung sasakyan nung mga kriminal. Huminto sila sa Catbalogan st. Sabi ko nga wtf. Dito pa e, taga-dito kami. Kapitbahay lang pala namin gumawa. Mga ganung tipo. Waa. Tapos nung andun na kami. Si partner sabi niya, shit, tagadito kayo? umalis daw kami. kasi pag na-spot kami or something baka may gawin kay daddy or something. Naghanap kami ng escape zone nun, as narealize namin, lahat may CCTV camera. wtf ulit dahil may laser pa, at tumunog yung laser!!! na-spot kami ng laser. Tapos narinig ko raw yung asawa nung kidnapper na nagsabi, Honey, may glitch na naman ang system natin, kindly check it! something like that. sabi ko, shit, lagot na. pinaandar niya yung tryk nang sobrang bilis e! hanggang next venue namin sa isang dept. store. Tapos nagflash sa dream ko yung nashotan ng CCTV cam, yung tryk daw, tapos ibabang bahagi lang. kita yung sapatos ko, naka-black school shoes pa nga ako nun e. tapos yung shoes nung partner ko. tapos dept. store na. Nakalimutan ko na yung iba, ngayon masakit ulo ko e.

Tapos, nakita ko si Jonathan sa dream ko. Kinuwento ko raw sa kanya na ako si Sakura nung panahong yun. tapos may kasama ako nung time na yun, technohub ang feel nung aura dun e. tapos yung kasama, nagtatatalon over the roofs ng mga bahay. tas sabi ko kay nathan, A, that one, i can do that too! Ohaaaa tigasss! ako na ang flying Sakura. sabi ko pa, hindi ko nga matanggal yung feeling na nakapantulog ako, pajama and all, kasi ganun ang usual get-up ni Sakura.

Tapos may glimpse ng pre-runaway scene sa utak ko. Sobrang habulan daw yun isang magarang condo/hotel. Tapos nakikihabol din ako. Maaksiyon e. Pagkagising ko nga, pagod utak ko't katawan.

Pero hindi ko makakalimutan yung feeling na, nasa loob ng car ng bad guys ang dad ko, tapos, waa, ung feeling na, sana maabutan namin sila, sana mahuli sila, sana ligtas ang dad ko. Tangina niyong kriminal kayo.

Ganyang feeling. Sakit e.

Nagpaparamdam na Dad ko Di ko kasi siya nakausap nang maayos kagabi. Puro writing stuffs inatupag ko nung tumawag siya saakin. Absorbed akong masyado sa ginagawa ko, nakalimutan ko na na nakikipagcomunicate pala siya sa akin. :( yea, my bad there.

Waa. I need someone to talk to!

Upper hh

Uh. My 22nd rose, nakuha ko rin.
Ang dami ko ng rose. Ngayon ko lang na-feel na ang special pala talaga pag nabigyan ka ng isang tao ng rose. Sa trinoma mo man binili yan, o sa diyan lang sa kalye.
Yung feeling na nag-abala sa'yo yung tao, at nag-ipon siya para sa'yo, para lang maiparamdam sa'yo na may special place ka sa puso niya? Wow, ang sarap maramdaman nun.

Finally, nasabi ko na kay sectorhead ang sa'min ni oso. Sana mas comfy na kumilos when we're around him.

At yung hh kanina, na-feel ko ang mainit na welcome ng isang pamilya sa'kin :D di ko sobrang close ang mga tao du, dahil di ko naman sila madalas makasama, pero yung fact na nakatatawanan ko sila, nakakakulitan, nakakapicture-an, nakakashare-an ng gist ng mga lovelife, a, pakiramdam ko, may pamilya talaga ako :) Ito ang mga panahong sinasabi sa'kin ni God na wag kong iwan ang YFC family ko. At ayaw ko nga talagang mangyari yun.

Thank you, Lord. I love you too.

Wednesday, February 16, 2011

:(

Lord... :((((((
courage Lord :((((
alam kong mahal mo ko. sana makita ko positive sa mga nangyayaring to.
ano ba gusto mong iparating?
:((
pwede bang humingi ng isang araw na break sa mga problema??????
kahit isang araw lang.

Good morning

Monday, February 14, 2011

So this is how it feels like


to celebrate the fourteenth of February with a special someone. I feel like... floating (LUTANG) HAHA.

Nag-meet kami sa mcdo ever, binigay niya roses at krispy kreme niya. Aww three roses yun te :">

Sinamahan pa ako sa FEU nung magmimeeting sana kami, kaso four lang nakarating kaso ultra late na. Tapos sinamahan sa Don antonio sports complex para mag-weewee haha. Tapos nagpark, tapos nasuper duper hot... alam na niya yun HAHA

Amazing race kami papuntang sinehan e, 5:35 na kasi nun e 5:40 yung Tangled! HAHA. Btw, i loved eating cheesy popcorn with him at the movie house, ang cheesy rin namin e hehe :P :P First time pala naman both mag-valentines date. Sooo soo memorable! :)

Then we met up Fato, Nathan, and Isay, then kuwentuhan to the max na while eating sa foodcourt sa may landmark.

Masaya okay, thank you God :) Ayoko pa nga bumaba ng kotse nung sinisipa na niya ako paalis e! HAHA
any, good night! Hope you had a great valentines day!

Saturday, February 12, 2011