Saturday, February 12, 2011

2nd life

Narealize ko while I was visiting Ara yesterday na second life ko na pala to.

Nagkaroon na rin kasi ako ng Dengue noong Grade 4 ako. But lucky enough, hindi naman ako umabot sa stages na kinailangan nang salinan ng dugo. Hindi kasi bumaba ng 50 ang platelets ko.

And praise God dahil hindi ako namatay tulad ng kapitbahay naming high school student pa lang dahil hindi lumabas ang mga simptomas ng Dengue nang maaga, at hindi rin ako natulad sa mga napapanuod ko sa TV na walang pinansyal na kakayahang magpa-confine sa ospital kaya nadededo nang walang kalaban-laban.

Narealize ko, ang swerte ko pala. Dahil hindi pa rin kinukuha ang second life ko, at hindi ako natulad sa ama ni ate jamie (may he rest in peace) na sumunod sa pagkamatay ng asawa after two months. Hindi rin ako natulad kay ate jamie na nawalan ng dalawang magulang sa isang iglap lang.

Mahal talaga ako ng Diyos.

I still get the chance to be with my family and friends. Nakakain pa rin ako, nakakatulog, nakakakanta't sayaw, nakakapagbasa, nakakapagdasal, nakakahalakhak, nakakaiyak, nakakapag-nail polish, nakakapag-blog, nakakapagtext, at kung ano-ano pa.

Second chance na pala 'to, e bakit ko sinasayang?

No comments: