Thursday, August 13, 2009

Nagtext si Kua Pol: Eventhough he likes surprises, hindi niya bet ang Workshop surprises.

Ako, petix kanina pa, nagsesearch ng bagong sites dahil naguilty sa discussion ni Sir mykel na i-explore ang internet -kung maaari pag-aralan ang mga pornong pelikulang napapanuod, e naghanap nga ng mga makabagong websites na mapag-kakaaliwan. Pagkatanggap ko ng mesage, kinabahan ako. Nangatal. Ano pa ba i-eexpect ko? Ayaw na ayaw na ayaw na ayaw kong na-prepressure ako. Pinaka-una sa listahan ito na nakakapagpasira sa kaygandang simula ng araw ko. Ayoko ng rush sa mga pinapagawa. (Pero, gusto ko ang rush id. at rush printing. Malaki ang tulong. Magkaiba lang talaga sila.) Nasisira routine ko. Nagugulo utak ko.

Dahil sa text niya, nag-ugat ang aking pagkakaba sa gagawing akda. Alam ko, hindi ako ipinanganak na mahusay sa pagsusulat ng malilikhaing akda. Kasama pa kung iisipin ko kung maihahabol ko ang akdang ito upang mailathala sa Bagito9. Sinong hindi mag-aalala hindi ba? Sobrang pressure na. :|

Pampalubag loob. Sisimulan ko ng magdasal. Gusto ko bago ko gawin ang napakahalagang akda kong ito, mapanuod ko muna si Jesus. Miss na miss ko na kasi siya. Nawala ko kasi ang Didache ko, kaya hindi ko masubaybayan ang gospel sa buwang ito. Sige, magdadasal na ako. Para mawala na lahat ng kaba at pag-aalala ko sa puso at isip.

GUSTO MO MALAMAN ANG SAKRIPISYO NI JESUS SA IYO? Here's the link of At The Cross by Hillsong. Sana kahit limang minuto lang, mapanuod mo, limang minuto lang naman mababawasan ang pag-Facebook mo eh.

No comments: