Wednesday, August 19, 2009

Ribyu ata ito ng Toradora (not yet edited)

Bitin ang Toradora! Si Aisaka Taiga (Palmtop Tiger) at si Takasu-senpai. The best :D Napahanga na naman ako ng mga cartoon mula sa ibang bansa. Hindi ko sinasabing perpekto ito, ngunit dahil, simple ang pagkakalatag ng istorya dito, hindi ako nahirapang irelate ang sarili ko dito. Maaaring isa na ring dahilan na nais kong maranasan ang buhay ni Taiga. O dahil love story ito, kaya sobrang bukas ang isipan ko habang pinanunuod ito.

Naalala ko ang Boys Over Flowers noong winter-snow accident na. Niligtas ng guy yung nadulas na girl, then napatapat ng pag-ibig ang girl sa guy, well, unconsciously.

Ang sweet ng flow ng events kasi very light lang nito. Hindi iisipin ng manunuod na may napakalalim na problema ng mga pangunahing tauhan. Kahit ako, hindi ko inisip na sisidhi ang ganoon nilang mga suliranin. Kaya, sakalagitanaan na-hook ako.

Ang cute ng personality ni Takasu, kung yun nga ba talaga ang tamang term doon. Hindi siya arogante. Kahit may itsura at appeal siya sa mga kababaihan, hindi niya ito inaabuso. Tipikal na torpeng lalaki. Mahiyain at hindi handang umamin ng nararamdaman. Sa kabila ng kahinaan sa pag-ibig, isang malaking side ang naitulong ng pagiging suportado niya sa kanyang kaibigan na si Taiga. Hindi iniwan sa gitna ng kadiliman. Tinulungan siya sa mga pagbagsak niya. Ang loyal at masugid na aso ni Taiga.

Si Kitamaru, noong una gusto ko, kasi nabibigyan siya ng sapat na atensiyon. Naipahahayag ang pagiging gentleman niya. Pero noong huli, gusto ko pa rin siya, kaso, weird lang na naging comedy ang dating niya ng iniwan siya ng minamahal niya. Binansagan pa nga siyang "God of the Brokenhearts" Ano kaya yun. Parang tanga. Pero nakakatuwa.

Si Kushieda, ok ako sa kanya. Nakita ko ang sarili ko sa kanya. Yung tipong palaging masaya at matibay sa labas, pero sa totoo ay nagdurugo at nanghihina na sa loob. Wala akong ibang komento kundi martir siya matalino at napakabuting kaibigan. Hindi ko alam kung magagawa ko ang mga sinakripisyo niya, pero hanga ako sa katibayan niya.

Si Kawashima, pansin ko lang, halos lahat may K ang pangalan, or nabubulol lang ako kaya K ko na nababanggit ang letter T at L. Bumalik tayo, si Kawa, ok feeling close ako, akala ko noong una, inlove siya kay Takasu. Akala ko isa siyasa mga masugid na admirers ng bida. Yun pala, nakadikit ang paghubog ng personalidad niya sa bidang babae na si Tyga. Na kahit may isang tao lang na makaka-intindi sa kanya, masaya na siya. At si Tyga iyon, kaya nais niyang ibalik ang pabor kay Tyga na mapaligaya din ito kahit papano.

Syempre, ang pinakahuli at impostante sa lahat, si Palmtop Tiger o si Aisaka Taiga sa tunay na pangalan. Ito ang taong basagulera, pang-babaeng term ang basagulera, mahilig sa suntukan. Ah hindi lang pala, binubugbog niya ang mga tao, babae man o lalaki. Pag nagkaaway kayo, oo, hindi ka lang uuwi ng may 2 o 3 pasa, mga sabihin na nating, 7-10. Kaunti pa lang yan sa mga pasang natamo ni Takasu sa kanya. Sa totoo, siya ang simbolo ng bunga ng niyog. Napakatigas ng ipinakikita sa harap,ngunit sa loob ay nagtutubig na ang damdamin sa sobrang hirap ng nararanasan. Hindi ko masasabing gusto ko ang ganoong karakter, pero dahil napangatawanan niya ang pagiging Bully-type na soft-heartened girl, oks din siya. :D


Quotable quotes:

"There's somethig in this world that no one has seen before. It is gentle and sweet. Maybe if it could be seen, everyone would fight over it. That's why no one has ever seen it. The world hid it so that no one could get their hands on it easily. However, someday, someone will find it. The person who deserves it the most will definitely find it."

"Since ancient times, the dragon has been the only best to equal the tiger."

"When you trip while running in the hallway, you'll get a nosebleed. When you trip in life, you'll cry."

"Even after 10 years, 20 years, 60 years, life goes on."


P.s. Sorry ha. Trip ko magreview sa ganitong oras. Minadali ko lang ito. Kasi yung feeling of excitement, wala na bukas eh. Kaya isusulat ko na :D goodnight.

1 comment:

Dam-dam said...

toradora ang da best anime! Kafalasan, nakakarelate ako kay taiga. Unrequited love rocks!