Sunday, January 2, 2011

Hot na hot.

Ganyan ang feeling ko ngayong araw.

Hot na hot gumawa ng projects/writings pero hindi nagbubukas ang mga sites na dapat references ko, at wala akong sapat na materyales para makapagsimula.

Hot na hot makipag-chat kay oso, pero wala ngang net di ba.

Hot na hot matulog pero sobrang kalat ng kuwarto, wala na akong space sa kama ko.

Hot na hot sulatan/lagyan ng design or something para hindi magmumukhang dull ang planner, pero wala akong mahanap ng focal point na ipangdedesign. Puro maliliit na something lang, gusto ko yung kitang-kita agad. Ba’t ba HAHA

Hot na hot pumunta sa NBS para makabili ng Etsa-puwera ni Jun Cruz Reyes, but it turned out na nagwala pa ang tatay ko dahil magsasayang lang daw ako ng gas sa pag-una sa NBS, kung magsisimba rin naman sila.

Hot na hot ako on the way dahil pinagagalitan ako ng tatay ko.

Hot na hot akong sumagot nang pabalag.

Hot na hot akong mang-irap at magpaka-cold. Sino bang hindi maiinis kung sasabihan ka ng, “Bakit ka pa magpapadrive, e rest day ngayon ng driver? Magpa-drive ka lang kung importante. E bibili ka lang naman pala ng libro e!” Bibili nga LANG naman ako ng libro. LANG NAMAN.

Buti na lang nahanap ko yung alternative book na Pinaglahuan ni Faustino Aguilar, at may 4 copies pa dun sa NBS, which is kinda weird dahil lumang novel na yun. Oh well, I just praised God for that.

Nung dumating kami sa NCE, tumaya pa sa lotto si Papa. 6:45 yun. Worried na worried ako s aparkingan dahil baka malate na naman kami sa mass. So, hot na hot na akong pumunta ng church nun.

Nung nasa church na, hot na hot akong maka-upo. Ang sakit ng shoes ko e. Doll shoes. Huhu

Hot na hot na rin talaga ako, literally. Naka-jacket ako e. Tas ang crowded dun sa lugar namin.

Hot na hot ako nung nakakita ako ng ostsa dun sa floor! Nagpanic ako, di ko alam gagawin ko e.

Hot na hot ako buong araw, pero pinakalma ako ng isang taong hindi ko kailanman nabigyan ng pansin sa buhay ko. Kumbaga, I get to visit her every summer, nagkakasama kami sa mga reunion, at ngayong bakasyon, pero hindi ko talaga siya kilala. Yung tipong may depth ba.
:)

Si Lola Perla.

I never.. as in never akong naging close sa kahit sinong mga lola ko. Yung isa nga, I was quite expecting na kahit isang towel or underwear may ipinadala man lang siya sa akin sa gigantic relief boxes na pina-ship niya, pero wala. Napunta sa bunsong pinsan ko yung laman ng 3 out of 6 boxes, tas ako walang natanggap. At all. Hindi naman ako nag-iexpect ng kahit ano e. Ang iniisip ko lang nun, since bata pa ako, at hindi ako lumaki kasama ni Lola R, kahit man lang sa mga padala niya, ma-feel kong apo niya ako at Lola ko siya.... E kaso wala e. Tapos nung magcollege ako, gusto niya akong mag-nurse, ni Lola R. Umayaw ako. Tapos ano? Sunod-sunuran sa kanila. No way. Sila na lang.

But then kanina si Lola Perla.. ewan ko, ang precious nung inoobserve ko siya kanina.
Nag-CR kami sa Conve, tas ang slow ng movements niya, at kailangan niya ng mag-aalalay. Pampagulo lang ako dun so hindi na ako tumulong sa pag-assist sa kanya.

Then nung nasa church na kami, para akong naaawa sa kanya, kasi again late kami. Late means walang upuan diba? E wala na kaming upuan lahat haha. Sabi nung pinsan kong isa,
“Diyan ka sa tabi ng pader, La, para may mapagsandigan ka ng likod.”

Pumunta si Lola dun sa pader. Tapos hinila niya yung upuan doon sa gilid ng pader. Kailangan niya talaga ng upuan e, kaya hinila niya yun. Tas bigla niyang binitawan nung nakita niyang may tao.

“Ay, may naka-upo naman dito e,” very slowly at napakahina ng boses niya.

Napa-ano ako e. -,- wth!!!! CHAIRSSSS PLEASEEEE!

Tapos isang kind-hearted woman ang nag-offer ng reserve seat niya kay Lola. Nagthank you naman si Mama at binigay kay Lola. Kung nakita niyo lang yung pagkasabik ni Lola dun sa upuan, kasi grabe e, umupo siya agad, kahit nakatayo pa lahat ng tao. Siguro pagod na pagod talaga siya, at hindi lang siya nagrereklamo.

Tapos na ang misa. Nakita namin si Father na papalakad sa way namin paalis ng simbahan. E since dadaan siya sa way namin, nagbless na kami. Tapos si Lola, naobserve ko, super duper slow ng motions niya, tumayo siya para magmano, pero hindi siya makasiksik sa mga batang nagkakagulo. So napa-stop lang siya dun, tumitingin-tingin, humahaba ang leeg, at naghahanap ng tsansa na makita siya ng Father.

Absent-mindedly, pagkamano ko kay Father, hinila ko yung kamay ni Father sa direction ni Lola. Hindi muna siya nakita ni Father, kasi maraming nasa harapan niyang mga kabataan. Pero nung nakita na siya’y, finally, nakita kong ngumiti si Lola. Alam mo yung feeling na nakatapos ka na sa pag-take ng isang major long exam? Parang ganun yung ngiti niya kanina.

Tapos parang napangiti rin ako.

Sa Shopwise naman, ayaw na dapat niyang bumaba ng sasakyan kasi mapapagod daw siya. Sabi ko, sige po stay na lang kayo. E itong si Abby, kumag forever, inencourage pa si Lola na umakyat sa mall. Sabi ba naman,

“La, di bale, akong bahala sa’yo. Isasakay kita sa cart,” sinabayan niya pa ng halakhak e.
Tas parang ako, nagsesenyas na ako sa face niya na, ano kaaaa baaaaaaaaaa, mapapagod yang si Lola!!! Pero wala sumama na siya e.

Nung nakababa na kami, mga 9:30 na yun. Bumibili ako ng 2 pcs ng pandesal. Inabot ko kay Lola, tapos nakita ko yung gutom niya e habang kinakain yun. OMG kasi. Paglakarin ba naman siya sa mall? Wooow.

WAIT LANG PALA. I forgot something. Nung nakalabas na kami sa main gate ng St. Peter, ako yung nag-aassist kay Lola, diba. Nagulat ako nang bigla siyang tumigil sa harap ng isang tindera ng sampagita. Nagulat talaga ako e. Walang kaabog-abog siyang huminto at inabot ang “piso” niya. Sinabi niya pa, “Isa nga..”

Tapos, pinack na ng tindera yung sampagita. Tapos si Lola, inaabot pa rin yung piso niya. Nakita kami ni Abby, tinanong niya kung ano raw yun. Nagsalita yung tindera, sabi, “sampung piso po isa, maam”. Tapos yung lola ko, wala pa ring kamalay-malay na sampung piso isa yung sampagita. Basta hinawakan lang niya yung supot ng sampagita, at nagpalinga-linga ng paningin. Parang 3 years old, ganun.

Nagbigay ng 10 pesos si Ate Krystel. Buti na lang may pera siya, wala kasi kaming dala ni Abby e. HAHA.

Tas after nun, na-feel ko na, hindi pala talaga kakayanin ni Lola Perla mag-isa. Kailangan niya ng susuporta at aalalay sa kaniya. And kung mabibigyan ako ng chance, I’d like to be one.
And that’s the very first time I felt that way sa isang grandparent....

Kaya pag-uwi ko, hot na hot akong isulat ito sa blog ko e. Hindi ko pa nga narereplyan si oso about dun sa tumblr blog post niya. Hahahay. Hot na hot na rin akong makausap siya. So, bye now, and happy January 2, everyone!

No comments: