Tuesday, January 11, 2011

Nakahanap na rin ako

ng mga Centers for sexually abused children.

Meron palang tatlo around UP Diliman, hanap pa ako ng hanap sa ibang lugar. Maliban dun, may mga contact numbers pa. Give away na lahat. Ako na lang ang gagawa ng paraan para makausap sila. Pero wala pa akong courage pumunta sa mga Center na yun, dahil natatakot ako sa mga magiging reaksiyon ng mapapagtanungan ko, or ewan siguro nahihiya lang talaga ako. Nauso pa kasi ang hiya at takot e! Ang hirap tuloy mag-move forward.



Lord, sana po may kahit isang victim man lang na pumayag na makipag-usap sa akin. Kahit hindi matagal. Kahit saglit lang. Kahit makilala ko lang siya sandali, at malaman kung paano siya magsalita, kung ano ang nangyari sa kanya. Lord, kahit isa lang po na victim, please? Ayokong bumagsak sa MP 174. Ayokong ma-delay. Ayokong hindi makapag-Phil Stud at Psych. Ayokong makita ang singko sa card grade ko dahil dito. Ayokong makita sila Mama at Papa na frustrated sa'kin. At pati ikaw, Lord, ayokong makita mo'kong hopeless.

Ewan ko ba, Lord. Although I want to change my topic sa mga mas madadali lang, parang may humahatak sa akin na ituloy ang incestuous topic na ito. Kung ano man yung humahatak na puwersa na yun, sana mas lumaki pa siya. Sana maggrow siya into courage para makapagsimula na ako. Lord, sana maging maayos ang resulta. Napipressure na ako kay Maam, sa subject, waa. Susubukan ko nang magtanong-tanong bukas. Help meeeeeeh. Hahay.

Sobrang kabado for life, Y

No comments: