Sunday, March 15, 2009

Kaliwa o kanan?

Minsan mo na bang tinitigan ang daan sa kaliwa?
Kung oo’y, sinubukan mo ba itong daanan?

Ang maakit sa landas na ito’y kaydali
Lalo pa’t kinabibilangan ito ng mapagkandili
Mga pagpapakasakit ay hindi maiisip
Sapagkat panandaliang kaligayahan ang inaasam

Sa landas kung saan tanging mga hangala ng tutungo
Kahangalang dulot ng kawalang-pag-asa’t pagmamaktol
Sa landas na tanging mga daga ang nakararating
Mga dagang naghahangad ng miminsang pagngiti

Kung tinahak mo’y ang kabila
Maaring lubos na kaligayahan iyong natanggap
Walang balakid at mga kagambalaan
Kundi malayang konsyensya lamang

Ang landas na bukas sa pagsubok
Tanging malalakas ang loob ang handang sumubok
Ang landas na mailap sa pagsisisi’t pagdurusa
Ngiti sa puso’t kaluluwa ang handog na tunay

Minsan mo na bang tinitigan ang daan sa kanan?
Kung oo’y, sana’y hindi mo sinubukan kumaliwa.

No comments: