Saturday, March 14, 2009

Miti ta itup

Natinag mo na ba sinag ng araw?
E ang buhos ng ulan iyong natanaw?
Kung oo'y paghandaan kapanganakan
Ng haring bahaghari sa kalawakan

Sa hardin ni Manong Ian
Iyo bang nasilayan
Mga rosas na kayligaya sa kulay,
Sampagitang lutaw sa kaputian?

Kung ang budhi'y may bahid ng karumihan
Ito'y pinamamalutan ng itim na kalungkutan
Kung ang budhi'y may tingkad sa kabutihan
Ito'y pinamamahayan ng puting kasiyahan

Pula at berde
Nagbibigay pagmamahal at kasaganahan
Asul at dilaw
Nagbibigay kapayapaan at kaligayahan

Kapwa miti ta itup
At ang kasalungat
ay may kahuluga't
mimithing pag-asa

No comments: