Saturday, March 14, 2009

Kung Ako Ay Isang Astronaut

Kung Ako ay Isang Astronaut
Sa paglisan patungong kalawakan
Mga mukha ninyo aking pagmamasdan

Sa paglakad sa kaylubak na daan
Dudukot ng lupa mula sa buwan
At iuuwi sa mundong kinalakhan

Sa pagtanaw sa planetang bilog bilog
Habang tinatamasa ang tagumpay sa tugayog
Ilaw ng pag-asa sa isipa'y nahuhubog

Kung Ako ay Isang Astronaut
Ako ang magiging pinaka-una
At susundan ako ng kaydami pa

No comments: