Friday, March 20, 2009

Poot ng Laurel - B1


Sadlak sa kapahamakan
Mga kamalian at kalugmokan
Pinalakad ang kabubuan
Ngunit mga miyembro'y nabuwal

Kabutihan kuno'y ipinakita sa mga guro
Kadakilaan kuno'y ipinamalas sa kaytaas
Paglingap at paghanga nila sa iyo'y
Lubos na ikina-abuso't ikinalaki ng iyong ulo

Ipinutong na laurel sa iyo
Sapat na bang patunay sa kahusayan
O mababaw na batayan lamang sa pag-usad
Na ikaw at siya lamang ang nakamasid?

Oo nga't mga tao'y galak na galak
Sa pitong medalya sa iyong leeg
Ngunit natatanto ba nila?
Mga kabulukan ng iyong pag-uugali?

Oo nga't ikinalulugod ng lahat
Ang iyong mga natatamasa
Ngunit natutuhan ba nila?
Na pagkilos mo'y kayraming kakulangan?

Bagama't ngiti mo'y abot-langit
Sana'y sa paglisan
Huwag maalis sa isipan
Kung wala kami'y
Wala ka rin

Kung hindi man maiwaksi sa amin
Na ika'y parungita't maliitin
Kami sana'y patawarin
Sapagkat hangad namin
Pantay na atensyon ng mga guro sa atin

=)
If you think it's you, then..I suggest start praying.ΓΌ

No comments: